Archive for the ‘Ang Alamat ng Unang Lupa’ Category

Chapter 7

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Alamat ni Hairy Patties
Ikapitong Kabanata

“Sa likod ng maitim na ulap, ang araw na sumisikat.” – Manli

“Kung may simula, may wakas din.” – MayAkda

Sa malayong malayong lugar sa silangan ng lupain ng Unanglupa, ay may isang islang kung tawagin ay Harden ng Eden. Ito ang ipinangalan ng mag-asawang nanirahan doon dahil sa itoy parang isang hardin, pero hardin talaga ito. Ang ibig sabihin ng Eden ay lugar ng sarap. Oh, hah, isipin nyo nga kung bakit lugar ng sarap?

Ang mga tao at mga duwende na nakatakbo mula kay Lou ay napadpad sa Harden ng Eden. Dito nila nakilala ang (more…)

Chapter 6

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Pagkasakop ng Unanglupa
Ikaanim na Kabanata

“Kelangan ba talagang may mga ganito? Pwede naman siguro kahit wala, diba?”-MayAkda

Unang Bahagi

Maraming taon ang lumipas at tahimik na nabuhay ang mga tao, duwende at mga tikbalang sa kanilang lupain. Inisip nila na hindi na siguro sasalakay si Lou dahil dalawang beses na itong napahiya sa tangkang pagsakop. Namuhay sila ng tahimik at matiwasay, bagamat ang sugat na namagitan sa tao, duwende at mga tikbalang ay hindi parin naghihilom. Lalo pang nag-apoy ang galit ng dalawang grupo, ang duwende at tao dahil sa nangyari kila Malakas at si Maganda. Patuloy parin ang silent war sa pagitan ng dalawa. (more…)

Chapter 5

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Alamat ni Malakas at ni Maganda
Ikalimang Kabanata

“Wala akong maisip na pwedeng sabihin dito, sa susunod nalang. Peron pala, “love will kick us away”” – MayAkda

Alam ko. Alam ko na alam nyo na ang kuwento ni Malakas at ni Maganda, ang unang tao sa alamat ng mga tao. Sila ay nagmula sa nabitak na kawayan na tinuka ng isang malaking ibon. Malaking, malaking, malaking ibon iyon na may ulo. Oo, may ulo. Ito din ay may panuka at may pakpak[1], na naghahanap ng makakain at nang makakita ng butiki sa may kawayan ay tinuka iyon at nabitak ang kawayan. Hindi na naikuwento ang tungkol sa butiki dahil nagtapos na ang kuwento nang lumabas si Malakas at si Maganda. (more…)

Chapter 4

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ikalawang Pagsalakay at ang Pagkahati-hati ng Lupain ng Unanglupa
Ikaapat na Kabanata

“Dahil, kasi, yamang, palibhasa, sapagkat, ang di pagtupad sa napagkasunduan ang siyang dahilan kung bakit ang pagtitiwala ay namamatay.” – MayAkda

Isang malakas at isang masayang kainan ang sumunod na nangyari sa lupain ng Unanglupa. Pagkatapos nilang ihukay ang mga napatay nilang mga kaaway at sunugin ang kanilang mga kasambahay, kaibigan, anak, ama, ina, pamangkin, tito, tita, lolo, lola na mga namatay sa labanang naganap, silay naghanda ng isang salu-salu dahil, marahil, palibhasa, bagamat ang kamatayan ng kanilang mahal sa buhay ay isang nakakalungkot na pangyayari, marami parin silang dahilan kung bakit kailangan nilang magselebrasyon. Tulad halimbawa ng dahil sila ay buhay pa (more…)

Chapter 3

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Buhay sa Unanglupa at Ang Unang Pagsakop at Ang Pagkamatay ni Ang-ang
Ikatlong Kabanata

“Oh kasakimang makapangyarihan, kung tumama kahit kanino man, gagawin ang lahat, mahangad lamang ang nais makamtan, o makamtan lamang ang nais mahangad.” – MayAkda

At sa lupain nga ng Unanglupa ay namuhay ng tahimik ang mga duwende, tao at mga tikbalang. Mula nang pinatalsik nila ang mga kampon ng kadiliman – mga aswang, tiyanak, kapre at kung ano-ano pang mga nilalang, ay ibinigay nila ang kanilang lahat-lahat para sa ikabubuti ng lahat. Pero tulad nga ng kasabihang “lilipas din yan,” ay dumating ang panahong lumipas din ang matiwasay at mapayapang buhay nila. (more…)

Chapter 2

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Simula ng Kasamaan
Ikalawang Kabanata

At dahil ang lahat ay may simula, ganun din naman ang kasamaan, ito man ay may simula – MayAkda

Sa grupo ng mga Manula,[1] may isang Manula na hindi kakikitaan ng saya. Si Lou. Minsan ay natanong niya si Manli ng ganito:

“Manli, o, Manli,
Puso koy nalulungkot at di mapakali
Bakit pangalan koy karindi-rindi
Tunog ay sa babai?[2]

Sumagot si Manli sa matalinghagang salita, na lagi naman niyang ginagawa: (more…)

Ang kuwentong ito ay kathang isip lamang. Kung nabasa nyo man ang parody ni Sir A.R.R.R na Selamilion, may mga pagkakapareho ito. Pero higit doon, marami din kayong makikitang pinagkaibahan :D

Ang Alamat ng Unang Lupa
by Samwel

Ang Simula
Unang Kabanata

“Sapagkat ang lahat ng bagay ay may simula” – MayAkda

Nang pasimula ay si Manli, ang Siya Nga, o Siya Na Nga, o Siya Parin, o kayay Siya at Siya Lamang, o Siya Magpakaylan Paman. Si Manli ang umuukopa sa lahat ng dako, sa lahat ng espasyo at siya’y nasa lahat ng panahon. Siya’y nakatira sa Kalang, pinaikli mula sa salitang Kalangitan, at pwede ding tawaging Kalan, na mas pinaikli pa. At sa Kalang siya’y nag-iisa kayat kanyang naisip, “Bat kaya di ako gumawa ng aking mga kasamahan?”na para bang may iba syang kasamang sasagot sa kanyang tanong. At gayon na nga ang nangyari, kanyang binigkas ang mga mahiwagang salita at mula sa kung saan , ay lumitaw ang kanyang Manula, ang mga espiritong may katawang pisikal na tulad natin sa panahong ito – may ulo, kamay, katawan at paa, ngunit dahil silay nilikha ni Manli, silay may angking kapangyarihan.

At kanilang tinanong si Manli:

“Manli, Siya na nga,

Bakit mo kami nilikha?”

At sumagot si Manli ng isang talinghaga:

“Ang nililok ba ay may karapatang magtanong sa manlililok kung bakit siya nilikha? Gayun din ang paso, may karapatan ba itong magtanong sa manghuhulma? Sapagkat aking sinasabi sa inyo, magunaw man ang lahat lahat, ang pag-ibig koy mananatili magpakaylan man. At maging ganoon din sana kayo sa iba.”

“Ah, eh, ano nga yon Panginoong Manli?

Di ata namin naintindi,[1]” tanong ng mga Manula kay Manli habang pilit inaaninag ang bawat isa(dahil wala pang liwanag sa Kalang).

“Hindi ba’t kasasabi ko lang?” pabalik na tanong ni Manli.

Nagkatinginan ang mga Manula (bagamat di nila alam na nagkatinginan sila, dahil wala pang liwanag) at namutawi sa kanilang mga labi ang, “ What the heck! Duh!” (Wow, Ingles!)

At magkagayon na nga, pagkatapos likhain ni Manli, ang manlilikha ng lahat ng bagay, ang kanyang  Manula, ang mga ito ay nagsabi ng ganito:

“Panginoong Manli, bagamat kami’y natutuwa sa iyong piling

at wala na kaming mahihiling,

di namin itinatatwa angkin mong galing,

ngunit aming sambit iyong dinggin,

masilayan ka kahit saglit, ito’y aming hiling.”

At sa gayon, nag-isip si Manli kung ano ang kanyang dapat gawin. At sa kanyang pag-iisip, siya ay napasigaw ng, “Aha!” na ikinagulat ng kanyang Manula, at inisip nila na may kaaway na lumulusob sa kanilang kaharian. Nagsimula silang mataranta ngunit wala silang magawa, akala nila’y kaaway nila ang kanilang mga kasama. Ngunit ang sabi ni Manli, “Mga Manula, magsitahimik. Akoy lilikha ng liwanag, nang sa gayon inyong matanglawan aking kaharian, at ang inyong kapatiran, at maging ang inyong dakilang may lalang.”

Ganun na nga ang nangyari, mula sa kung saan ay isang apoy ang lumitaw na tumatanglaw sa buong kaharian ni Manli. Noon lamang nakita ng mga Manula ang kanilang mga kasamahan, at sila’y kakikitaan ng pagkadismaya?[2] Dahil sa noon lang sila nakakita ng apoy, sila’y napatulala. Isang Manula, na ayaw magpabanggit ng pangalan dahil nakakahiya ang kanyang ginawa, ang lumapit sa apoy. Mataman niyang tinitigan ang apoy at dahan-dahang inilapit ang kamay sa lumalagablab at kaakit-akit na kulay pulang sumasayaw na apoy. (Alam kong alam nyo na ang nangyari). Tama! Siya ay napasigaw. Napasigaw sa sakit na naramdaman dahil sya’y napaso. Mula sa insidenteng iyon, nalaman ng mga Manula na hindi nila dapat hinahawakan ang apoy, at ipinamana din nila ang kaalamang iyon sa mga tao, at ipinamana naman ng mga tao ang kaalamang iyon sa kanilang henerasyon, hanggang sa henerasyong ito.

Sinabi ni Manli, ang manlilikha, sa kanyang Manula na silay may angking kapangyarihan. Mayroon din silang kakayanang lumikha, at kanila ngang nilikha ang kalupaan ng Unanglupa. Tinawag itong Unanglupa dahil ito ang kauna-unahang lupaing nilikha. Natuwa ang mga Manula dahil sa kanilang ginawa kayat silay lumikha pa ng tubig, tanim, ibon, hayop at mga duwende. Ang mga duwendeng kanilang nilikha ay kabaliktaran ng mga duwendeng alam natin. Ang mga duwendeng kanilang nilikha ay matatangkad.

Lumipas pa ang panahon at naisip ulit nilang lumikha ng mga tao, at itoy kanilang nilagay sa lupain ng Unanglupa. Ang mga duwende, bagamat nauna silang nanahan sa Unanglupa ay may mabuting kalooban. Kanilang tinanggap ang mga tao at silay nabuhay ng tahimik at payapa.

Lumipas ulit ang panahon at gumawa ang mga Manula ng mga tikbalang. Kanila ulit inilagay ang mga tikbalang sa lupain ng Unanglupa. Ang kabutihan ng mga duwende, na minana ng mga tao, ang naging dahilan kung bakit tinanggap ng mga duwende at tao ang mga tikbalang. Bagamat sila’y may katawang kabayo at mukhang aso, este sa tao, silay tinanggap ng buong puso. Dumami ang populasyon ng mga duwende, tao at tikbalang sa lupain ng Unanglupa.

Ang mga duwende ay may hari. Si Liit. Ang mga tao ay may hari din, mahilig din sila kase sa politika, na minana nila sa ugali ng mga duwende. Ang kanilang presidente ay si Tangkad. At ang mga tikbalang din, na nakisalamuha sa mga duwende at tao ay nagtanghal ng kanilang hari, si Hayoptao.

Tatlong pinuno, si Liit, Tangkad at Hayoptao, ang namumuno sa lupain ng Unanglupa. Nagsikap silang magkaisa sa lahat ng bagay at naging matiwasay ang kanilang pamumuhay. Sagana sa pagkain dahil natuto silang magtanim. Ang mga tikbalang ang nagbubungkal ng lupa, at ang mga tao at duwende ang nagtatanim at umaani.


[1] Naintindihan dapat yan, pero para magka-rhyme sila ng Manli, kelangang putulin at gawing intindi, parang Manli, intindi.

[2] Iniisip ko parin hanggang ngayon kung bakit sila nadismaya nang makita nila ang kanilang mga kasamahan.


Chapter 2: CLick here