Chapter 7

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Alamat ni Hairy Patties
Ikapitong Kabanata

“Sa likod ng maitim na ulap, ang araw na sumisikat.” – Manli

“Kung may simula, may wakas din.” – MayAkda

Sa malayong malayong lugar sa silangan ng lupain ng Unanglupa, ay may isang islang kung tawagin ay Harden ng Eden. Ito ang ipinangalan ng mag-asawang nanirahan doon dahil sa itoy parang isang hardin, pero hardin talaga ito. Ang ibig sabihin ng Eden ay lugar ng sarap. Oh, hah, isipin nyo nga kung bakit lugar ng sarap?

Ang mga tao at mga duwende na nakatakbo mula kay Lou ay napadpad sa Harden ng Eden. Dito nila nakilala ang dalawang mag-asawa kasama ang kanilang nag-iisang anak na si Hairy Patties. Hairy kasi mabalahibo siya. Patties, pwde na syang gawing patties ng burger. At doon nga, nanirahan ang mga tao at mga duwende na nakatakas.

Lubos na may magandang loob ang mag-asawang nakatira doon kung kayat tinanggap nila ang mga dumating na humihingi ng tulong. Dun na din nakitira ang mga tao at mga duwende na humingi ng tulong at yun na nga, lumobo ng kaunti ang populasyon nila.

Si Hairy ay mabuhok. Yun lang. Ha ha ha.

At kahit na ganun ang itsura ni Hairy ay minahal parin siya ng kanyang mga magulang. Isang araw may dalawang aswang na napadpad sa sa Hardin ng Eden habang silay lumilipad lipad sa himpapawid na naghahanap ng pagdedeytan. Nagitla sila ng makitang madaming tao at duwende doon. Nagmanman sila ng ilang araw at saka lumipad pabalik sa Unanglupa para ipamalita ang natuklasan nila kay Lou.

Lumaki ang mata ni Lou ng malaman na may mga tao at mga duwende pa pala na hindi niya nasasakop. At hindi lang iyon, magkakasama pa sila! Kung kayat, nang oras ding iyon ay naghanda sila sa pagsalakay. Tinipon niya ang kanyang lahat ng alagad at nagsimula na silang maglakbay papunta sa Hardin ng Eden. Pero sadyang ipinagkakait sa kanila ata ang pagkakataon, dahil di nila masundan ang daan papunta sa Hardin ng Eden. Muli, umikot sila, pero napapadpad lang sila ibang lugar.

Makalipas pa ang ilang pag “try”[1] ay nahanap nila ang daan papunta sa Hardin of Eden. Nagitla ang mga nakatira sa Hardin ng Eden nang dumating ang mga kampon ni Lou. Hindi sila nakapaghanda kung kayat para lang silang mga langgam na pinaghuhuli. Bagamat ganun ang nangyari, sinubukan parin nilang lumaban, pero sadyang walang silbi ang pagpupumiglas nila dahil wala din silang nagawa.

Si Hairy Patties ay wala doon nang araw na iyon dahil siya ay naglakwatsa. Namana nya din sa tatay at nanay niya ang pagiging lakwatsero niya. Bagamat alam niya na lahat ng lugar sa Hardin ng Eden ay napadpad siya sa lugar na noon nya lang nasilayan. Mahamog ang lugar.

Sa kanyang paglalakad lakad, pilit niyang kinikilala ang lugar, at pilit hinahanap ang daan niya pauwi. Ngunit sadyang itinakdang di niya mahanap ang daan niya pauwi, hanggang may nakita siyang isang matanda. Nagpasalamat si Hairy dahil may mapagtatanungan siya. Ang matanda ay may mahabang puting buhok at may mahaba ding mga puting kilay at mga puting balbas. Sabi niya sa matanda, “Lolo, paumanhin kung nagambala man kita sa iyong pamamahinga, pero ako yata ay nawawala. Di ko po alam kung saan ako nasuksok.”

Sumagot ang matanda at nagwika, “Hindi mo ako lolo. Kaya wag mo akong tinatawag na lolo. Ako si Mehlin[2], ang dakilang salamangkero. Andito ka ngayon sa Avalon at wag kang mag-alala binata, hindi ka nawawala dahil nakikita kita.

“Hmmmmm, ibig ko pong sabihin, di ko alam ang lugar na ito, im lost.”

Sumagot ang matandang salamangkero, “Wag kang mag-alala binata, hindi ka lost, dahil ang lugar na ito ang nakahanap sa iyo.”

Sumagot si Hairy Patties, “Hmmmm, di ko po maintindihan, panong ako ang hinanap ng lugar na ito?”

Sumagot si Marlin,[3] “Dahil hindi lahat ay nakakatapak sa lugar na ito, bagkus, napupunta ka lamang sa lugar na ito kung gugustuhin ng lugar na ito na makarating ka dito.”

Kumamot ng noo ni Hairy, “Di ko po magets,” wika niya.

“Hayaan mo na,” wika ni Mehlin o Marlin habang kinakamot ang ulo.

“Ah, e, anong ginagawa nyo po sa lugar na ito Mehlin?” tanong ni Hairy.

“Magandang tanong,” pauna ni Mehlin, “ako ang tagabantay sa lahat ng bagay. Ako ang wakas ng lahat lahat kayat lahat ng bagay ay talos ko, lahat ng bagay na may wakas?[4]

“Lahat ng bagay na may wakas?” sabi ni Hairy pero di naman niya tinatanong, inulit niya lang ang pagkakabigkas ni ermitanyong Marlin.

“Hindi mo ba alam na lahat ng bagay ay may wakas?” balik ni Marlin.

“Alam ko pong lahat ng bagay ay may wakas. Yung pagbigkas nyo po kase ay parang pananong kaya natanong ko kayo kung lahat nga ba ng bagay ay may wakas, dahil napaisip ako at nagdalawang isip ako kung talaga bang lahat ng bagay ay may wakas,” paliwanag ni Hairy.

Tumango si Marlin at kanyang sinabi, “Ang lahat ng bagay ay may wakas Hair.[5] Lahat ng bagay. Maging ang mga bagay na sa tingin natin ay walang wakas, o walang katapusan, meron din itong wakas. Minsan nilalagyan natin ito ng tandang padamdam o di kayay tandang pananong. Pero hindi nangangahulugan na hanggang doon lang yun. Dahil lahat ng bagay ay may katapusan Hair, lahat ng bagay. At lahat ng bagay ay nagtatapos sa tuldok.”

At sumagot si Hairy at kanyang sinabi, “Kung magkagayon po, ang buhay ko din po ay may wakas. At gusto ko lang po sanang itanong kung paano ito magwawakas, o nasa katapusan na po ba ako? Dahil kung andito ako, at dahil kayo ang wakas, nangangahulugang ako ay nasa wakas. Nasa wakas na nga po ba ako?”

“Hindi nangangahulugang kung asan ako, nandun na ang wakas. Minsan kase, nagiging tandang pananong o di kayay tandang padamdam ang panahong kung nasan ako, bagamat nasabi kong ako ang wakas, yun ang mga panahong sa akala natin ay wakas na pero hindi pa naman pala wakas. At sa mga pangungusap kong iyan, aking sasabihin sa iyo, kaya ka nandito dahil hinanap ka ng lugar na ito. Hindi ito ang wakas, bagkos, ito ang simula ng wakas. Minsan, pag akala nating wakas na, may karugtong pa pala. Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay hindi nagtatapos sa wakas, dahil minsan, maging ang wakas ay simula palang ng bagong pahina.”

Tumango-tango si Hairy tanda ng pag-unawa niya sa sinabi ni Marlin. “Kung gayon, akoy nasa wakas na o simula palang ng bagong wakas, ganun po ba?”

“Tama ka,” sabi ng isang tinig. Hindi iyon kilala ni Hairy dahil iba ang tinig at tinig babae iyon. Tinig na parang nanggagaling sa hukay. Biglang tumaas ang mga balahibo ni Hairy kayat nilingon niya ang matandang ermetanyo pero nagitla lang siya sa kanyang nakita.

“Sino po kayo?” tanong ni Hairy na paos at nginig ang boses, dahil noon lang nakakita ng isang matandang mangkukulam si Hairy.

“Hi! Hi! Hi!” simula ng matandang hukluban sa boses na nakakatakot,  “Ako si Morgana, hi, hi, hi, ang lumikha kay Mordred sa kwentong Arthur,hi, hi, hi.[6]”. Pero siyempre hindi pa alam ni Hairy kung sino si Mordred kase di pa nagagawa ang kuwentong Arthur sa kaniyang panahon. “Ako ang simula ng lahat ng bagay, hi hi, hi.”

Kumunot ang noo ni Hairy, “Asan po si matandang Marli?”

At tumalikod si Morgana at lumabas si Marlin na natatabingan ng buhok sa likod ni Morgana na nagsabi, “Hindi Marli ang pangalan ko. Marlin o Mehlin. May ‘n’ yan sa dulo.”

At mas lalong nanggilalas si Hairy sa kanyang nakita. Namuti ang kanyang mata na dati nang puti sa takot, dahil noon lang siya nakakita ng taong magkadikit, likod sa likod. Pero pinalakas niya ang kanyang dibdib at muling nagtanong kung bakit iisa ang katawan nila.

Tumalikod ulit si Marlin at sumagot si Morgana na silay pinagdikit ni Manli para representasyon ng simula at wakas. Na bagamat ang distansya ng simula at wakas ay magkalayo, itoy magkalapit lang, dahil ang harapan ang iyong wakas at ang iyong likuran ang iyong simula. At kanya pang ipinagpatuloy na dati silang magkaibigan na naging magkaaway na ngayon ay magkaibigan na muli dahil sa ginawa sa kanila ni Manli. Ang dahilan ng kanilang away ay dahil gusto ni Morgana na sirain ang Camelot, ang lupain ni Marlin na itinayo ni Arthur at nang kanyang ama.

“Ah, e…” wika ni Hairy. At naramdaman nalang niyang hinila siya ni Morgana. Sumunod naman si Hairy kahit nginig ang kanyang tuhod, at dinala siya sa isang bato.

Sabi ni Morgana, “Ako ang simula,hi, hi, hi, at kung may simula may wakas, hi, hi, hi. Pero nauna mong nakilala ang wakas bago ang simula, hi, hi, hi, kung kayat dadalhin kita sa simula, hi, hi, hi. Ang espadang nasa bato ay ang exculiber hi, hi, hi. Ito ay nagmula sa diwata ng tubig na kapatid ko, hi, hi, hi. Kung ikaw ang napiling simula, hi, hi, hi, at wakas, hi hi hi, iyong subukang hugutin ang espada sa bato, hi, hi, hi.”

At lumapit si Hairy sa espada na nasa bato at pinilit hugutin ito. Halos nangintab na ang mukha ni hairy sa pawis dahil sa paghugot pero di parin siya pinanghihinaan ng loob. Pilit parin niyang hinugot ang espada sa bato, at sa di inaasahang pangyayari, nabunot ni Hairy ang espada sa bato.

“Humayo ka at umuwi ka, hi, hi, hi,” sambit ni Morgana. “Ikaw ang napili,” wika naman ni Marlin. “Ang simula… &*$^#@,” sabay na sabi ni Morgana at Mehlin, “hi, hi, hi,” ang idinugtong ni Morgana, kayat na off synchronization silang dalawa dahil ang sinabi ni Marlin ay “at ang wakas”.  Sabi ni Marlin kay Morgana, “bakit ba laging may hi, hi, hi ka? Hayan tuloy, di tayo nagsabay. Itigil mo na nga yan!”

Sumagot si Morgana, “Yun ang role ko eh, hi, hi, hi, syempre mangkukulam, hi, hi, hi, kaya laging may hi, hi, hi sa dulo, hi, hi, hi.”

“For once, itigil mo naman yan para magsabay tayo,” giit ni Marlin.

“Sige na nga, pero may kiss hah, wika ni Morgana,” at sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Marlin.

Kanila ngang sinabi, “Humayo ka at umuwi na. Ang simula at wakas ay magsisimula na.” At idinugtong ni Morgana, “Ang walis, kunin mo na.”

“Anong walis?” takang tanong hi Hairy.

“Hindi ikaw ang kinakausap ko, si Marlin ang kausap ko. Dahil aalis na kami, sasakay kami sa walis.”

At sumakay na nga sa walis si Morgana at si Marlin o Mehlin.

At nang di na makita ni Hairy ang dalawang matandang hukluban ay dahan-dahang nawala ang hamog. At nagtaka nalang si Hairy dahil nasa gitna na siya ng Hardin ng Eden, at nakita niya ang kanyang ina na kinakaladkad ng mga alagad ni Lou.

Nakita di siya ng kanyang ina at sumigaw ito, “Haity anak, tumakpo ka na anak. Lumayo ka ta tugal na ito at nandito ang matamang ti Lou. Iliktat mo ang talili mo anak. Pakiutap. Tumakpo ka na anak.”

Pero parang bingi si Hairy at tumakbo lumapit sa kanyang ina. Hinarang siya ng mga aswang at mga tyanak na sabik na sabik sa kanyang dugo. Ngunit ihinambalos niya ang dala niyang exculiber at di makapaniwala si Lou sa kanilang nasaksihan. Ang mga aswang at mga tiyanak na nadampian ng espada ay parang mga tubig na natunaw.

Sumigaw si Lou na sugurin ng kanilang mga kampon si Hairy, at sumugod din ang mga kapre. Pero tulad ng nangyari sa mga humarang kay Hairy, nang madampian sila ng exculiber ay nangagsitunaw sila. Nagtaka si Lou sa kung anong klaseng kapangyarihan meron ang espada. At kanilang naalala ang espadang exculiber na ginawa ni Manli at ibinigay sa isang dalagang nakatira sa tubig.

Sumigaw si Lou na sabay sabay sumugod ang kanilang kawan, pero parang yelo lang silang natutunaw tunaw nang isa isa. Bagamat makapangyarihan ang espada, syempre, napapagod din ang katawan. Kayat napagod din si Hairy sa paghambalos sa mga kaaway hanggang humingal siya ng malalakas.

At sumugod nga si Lou dahil pagkakataon nyana iyon na tapusin si Hairy. Pinuntahan niya si Hairy at nilapitan. Pero sa di inaasahang pagkakataon, hindi makalapit si Lou kay Hairy, ganun din si Hairy kay Lou. Naramdaman ni Hairy ang pagvibrate ng exculiber. Iniisip niya kung anong dahilan ng mga nangyayari. Si Lou din naman ay napatigil ng maramdaman ang pagvibrate ng May Presyooooohhhhh. Kahit anong pilit nyang paglapit ay sadyang walang silbi.

Parang divine intervention, napatingin si Lou sa May Presyooohhh, at kaniyang hinimas iyon at kanyang ibinulong, “May Presyohhhh.”

Dahan dahan nyang tinanggal ang singsing at halos ayaw nyang bitawan pero alam nya na ang singsing ang dahilan kung bakit di siya makalapit kay Hairy. Dahil di pwedeng magdikit ang May Presyooohhh at ang Exculiber.

At ganun na nga ang nangyari, tinanggal ni Lou ang singsing at inilapag sa lupa. Lumapit siya kay Hairy. Itinaas ni Hairy ang exculiber at iniindayog kay Lou pero gamit ang kanang kamay ni Lou sinalo nya ang exculiber at gamit ang kaliwa nyang kamay, kanyang sinakal si Hairy. Kanyang sinabi kay Hair:

“Alam mo bang
Walang duwede’t taong nilalang
Ang pwedeng tumalo sa nilalang sa iyong harapan?” Ang kanyang tinutukoy ay ang kanyang sarili.

Halos di na makahinga si Hairy sa pagkakasakal sa kanya ni Lou pero nagawa nyang masipa si Lou kung kayat nabitiwan sya ng nauna. Napaisip si Lou kung papanong nasipa siya ni Hairy dahil dapat e sunog na ang paa nito. Nag-iisip palang si Lou nang itinaas ulit ni Hairy ang espada at sinugod si Lou pero tulad ng nauna, nasalo ulit ni Lou ang espada at itinapon iyon sa malayo. Nag-isip si Hairy ng paraan kung paano niya matatalo si Lou. Matapang din kasi si Hairy dahil matapang naman ang kanyang ama at ang kanyang ina.

“May ibon sa itaas mo!” sigaw ni Hairy.

Tumingin sa itaas si Lou at tumawa ng malakas. Pero sa pagtingin niya sa itaas at pagtawa nya, di nya napansin ang mabilis at maliksing paglapit ni Hairy sa kanya at sinuntok ang kanyang ilong. Sapul sa ilong is Lou. Tumigil sa pagtawa si Lou sa sakit na naramdaman at nang hawakan niya ang kanyang ilong, dumudugo iyon. Ang tawag dyan ay epistaxis.

“Aray ko, aray ko,
Ano ba ito,” ang kanyang nabigkas. Pero di nya na maisip kung panong ang kamay ni Hairy ay umeepekto sa kanya na dapat ay sunog na o lapnos na dahil sa orasyong.

Nagbugbugan silang dalawa ng ilang minuto. Nagpagulong gulong sila, pero dahil tinuruan ng kanyang ama si Hairy sa pakikipagbuno ay natalo niya si Lou. Madaming sugat si Hairy na natamo nya sa pakikipagsuntukan, pero masaya siya dahil natalo nya ang kalaban niya. Kanyang sinabi kay Lou, “Kung duwende o tao ay di ka matatalo, pwes, iba ako, dahil di ako duwende, hindi tao, hindi hayop, at lalong hindi ako gumagawa ng C D O. Dahil kahit tao man ang aking ina at duwende ang aking ama, di parin ako tao at di rin duwende.”

At mula sa kung saan, may narinig silang tatlong tunog ng bell. “Teng, teng teng!” At narinig nila si Manli na nagsalita sa Ingles, “And the winner by knockout in the final round is Hairrrryyy Patttieessss!!! ”

At tumayo si Hairy at humarap kay Manli na noon ay nasa anyong tao na rin, at kanyang itinaas ang kanyang dalawang kamay.

Pero sa pagtalikod ni Hairy ay di nya namalayan ang pagtayo ni Lou at ang tangkang pagsugod. Pero pinigilan sya ni Lou at sa isang kumpas ng kanyang kamay, dumating ang mga ibang Manula at hinawakan sa kamay si Lou.

“Oh, boy, that’s a violation of the rules,” wika ni Manli, at pinadala na nga niya si Lou sa isang malayong malayong lugar sa ilalim ng lupa. At ang mga alipores ni Lou ay nagtakbuhan ng makita si Manli at ang mga manula. Silay nagtakbuhan sa ibat ibang lugar. Yan ang alamat kung bakit may mga kapre, tyanak, at mga aswang sa ibat-ibang lugar sa mundo, lalo na sa pinas.

Isang manula ang nakita ni Hairy at sadyang mapaglaro si kupido; dala ang kanyang maliit na palaso ay pinalaso niya si Hairy sa puso. Biglang umiba ang paligid ni Hairy tulad ng nangyari sa kanyang ina nang una nitong makita ang kanyang iniirog at sinisinta. Ang kanyang paligid ay naging mga bulaklak, nagsikantahan ang mga anghel at nagsisayawan ang mga bulaklak. Ang kanyang bilugang mata ay naging korteng puso.

Maputi at balinkinitan ang katawan at maganda ang manula na nakita ni Hairy. Ito si Amelia, na halaw ang pangalan sa salitang Camelio na ang ibig sabihin ay mga hayop na naglalakbay sa disyerto. Pero ang pangalang Amelia ay nangangahulugang masipag, tulad din ng mga camelio na masipag maglakbay.

Nagexcuse si Manli nang makita ang nag-aapoy na pag-ibig ni Hairy kay Amelia. At hinayaan naman niya si Amelia na mukhang pinaglaruan din ni kupido at sinentro kayang puso gamit ang maliit nitong pana.

Ang mga magulang ni Hairy ay nagyakapan ng makita si Hairy na nakatitig kay Amelia. Naalala nila nung una silang nagkita sa Gubat Blue noong kabataan nila.

At yun na nga, matapos halikan ni Hairy ang kanyang ina ay sumama siya kay Amelia sa Kalang. Mula noon, wala nang narinig pa tungkol kay Hairy, pero marami ang nagsasabi na siyang naging isang Manula nadin, pero ang sabi ng iba, silay namuhay sa ibang lugar ng Unanglupa. Pero ang mahalaga, naging masaya sila.

At dito na po nagtatapos ang kuwento ng Unanglupa.

Muntik ko nang makalimutan, bumalik na pala sa normal ang lahat sa Unanglupa.

End


[1] Di ko maalala ang tagalong nito. Ilalagay ko sana na “pagsubok” pero iba ang pakahulugan e, kaya “try” nalang.

[2] Binibigkas na may malalim na “Meh” na parang sa pag meehhh ng kambing.

[3] Isa pang spelling ng pangalan niya.

[4] Tuldok sana iyan, complete stop ang intonation o falling intonation, pero nag kyok si Marlin kayat ang tunog ay parang sa pananong kayat may tandang pananong sa dulo imbes na tuldok.

[5] Dinaglit na Hairy.

[6] Ang tamang pagbigkas sa hi, hi, hi ay dapat parang sa mga mangkukulam na napapanood nyo sa tibi. Sa isip nyo, tinisan nyo ang pagsasalita nyo tuwing si Morgana ang nagsasalita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s