Chapter 2

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Simula ng Kasamaan
Ikalawang Kabanata

At dahil ang lahat ay may simula, ganun din naman ang kasamaan, ito man ay may simula – MayAkda

Sa grupo ng mga Manula,[1] may isang Manula na hindi kakikitaan ng saya. Si Lou. Minsan ay natanong niya si Manli ng ganito:

“Manli, o, Manli,
Puso koy nalulungkot at di mapakali
Bakit pangalan koy karindi-rindi
Tunog ay sa babai?[2]

Sumagot si Manli sa matalinghagang salita, na lagi naman niyang ginagawa:

“Ano ba ang meron sa pangalan, di bat ang mahalaga ay ang kaibuturan?”

Sumagot si Lou,

“Tumigil ka sa iyong talinghaga,
Tanong koy sagutin na
Bago pa man kita masipa!”

“Bastos kang nilikha,” ang sabi ni Manli, “nakalimutan mo atang ako ang iyong lumikha?”

Ngunit di nauunawaan ni Lou ang sinabi ni Manli dahil ang kasamaan ay laging nasa kanyang puso. Ang kabastusan ay isang bagay na sa kanyang tingin ay hindi masama. At siya nga ay sumagot sa tanong ni Manli na sagot nito sa kanyang sinabi na sagot ni Manli sa una niyang tanong:

“Ang pagsasabi ba ng iniisip ay kabastusan?
Kung magkagayon ako’y kalabisan.”

At muli, sumagot si Manli sa talinghaga:

“Ang sinumang sa puso’y may kadiliman, sa bibig ito lumalabas. Dahil kung ano ang nasa loob, ay siya ding lumalabas. Dahil kung ano ang itinanim, siya din ang aanihin. Sapagkat, aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?”

Umalis si Lou sa harap ni Manli at nagmukmok sa gilid. Ngunit sa kanyang puso, may galit na nakaukit, na hinubog ng panahon, at dahan dahang nilulon ang kanyang pagkatao.

Isang araw, ay naisip ni Lou[3] bakit kaya di nalang ulit sila lumikha. Kayat kanyang iminungkahi na gumawa ulit sila ng mga nilalang. Pero hindi naiintindihan ni Lou, at ng iba pang mga Manula na kung ano ang nasa puso, ganun din ang kalalabasan ng lilikhain.

Kayat, nang matapos nilang likhain ang mga sumunod na nilalang, silay namangha, natakot at nagtakbuhan. Ang kinalabasan ng kanilang nilikha ay mga nakakagumon na mga nilalang, mga kapre, aswang, tyanak at iba pang kampon ng kadiliman.

Pinilit nila ang mga duwende, tao at mga tikbalang na tanggapin ang mga nilalang na ito, ngunit pagkatapos magpulong-pulong ang mga tatlong hari ng Unanglupa ito ang kanilang napagdesisyonan, “Magkukulang ang ating source of income kung tatanggapin natin ang mga aswang, tiyanak at mga kapre. Mas mabuting wag nalang natin silang tanggapin, at silay ating paalisin. At isa pa, umiinom sila ng dugo, baka ubusin ang ating mga dugo.”

Ganun na nga ang nangyari. Pagdating ng mga aswang ay kanila itong sinisingil ng buwis. Dahil walang pera ang mga aswang (matatandaang silay kalilikha lamang) ay walang pambayad. Kung kayat silay umalis at pumunta sa Dakoparoon.

At muli, sumangguni si Lou kay Manli:

“Ano ba itong nangyari sa aming nilikha
Kakatakot at kakasuka ang kanilang itsura
Ang alak nila’y dugo
Ang dugo nila’y alak[4]?”

At sumagot si Manli, “Diba’t sinabi ko na sa iyo, na kung ano ang puno, sya din ang bunga? Dahil kung anong itinanim, sya din ang aanihin. Sapagkat aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?”

Pabalang nga na sumagot si Lou ng ganito:

“Sa iyong talinghaga, isip koy pinipiga,
Dahil kung di ko maintindihan, anong kuwenta?
Hindi bat mas mabuti pang ang bahay ay kubo,
Kung ang nakatira ay tao,
Kesa mansiyong ganito,

Na ang nakatira ay kuwago?”

“Aha, at sumasagot ka na din sa talinghaga!” ang bigkas ni Manli. “Tama ka sa unang punto mo na walang kuwenta ang talinghaga kung di mo maiintindihan, at sa pangalawa na mas masarap tumira sa hindi mansion kung ang nakatira ay tao na ibig sabihin ay kaparehas mo, kasing-dunong mo at naiintindihan mo, kesa manirahan sa mansion na tulad nito na ang kasama mo naman ay kuwago.[5] Na ibig sabihin ay matalino, at di mo saklaw ang kaisipan.”

At ipinagpatuloy pa ni Manli ang pagpapaliwanag kay Lou:

“Lou, kung ano ang nasa iyong puso ay siyang lumalabas sa iyong bibig. At dahil kasamaan ang itinanim mo sa iyong puso, nang lumikha kayo, sinalamin nito ang nasa iyong puso. At dahil masama ang iyong puso, ang lumabas ay mga demonyo – mga halimaw, mga aswang, mga nakakatakot na nilalalang. At dahil nga nangyarina iyon, hindi bat nasa huli lagi ang pagsisisi? Kung kayat, aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”

Muli nga ay nagsalita si Lou:

“Ikay makapangyarihan
Hindi mo ba kayang ibahin kanilang kalagayan?”

At sabi nga ni Manli, “Nawawala ang hari, ngunit ang uri ay hindi.”

Tuluyan na ngang tumalikod si Lou kay Manli at lumayas sa kaharian ng Kalang o Kalan at bumaba sa lupa, kasama ang ilan niyang barkada.[6] At silay nagpunta sa Dakoparoon at doon gumawa ng sariling kaharian, pinangunahan nila ang kanilang mga nilikhang mga demonyo.

At doon nga nagsimula ang bangayan ng mabuti at masama.


[1] Akala ko ba nahulaan nyo na kung bakit “Manula” ang tawag sa kanila? Ito’y mula sa dinaglat na salitang “manunula” dahil lagi silang tumutula.

[2] Muli, yan ay “babae,” pero ginawa kong “babai” para magkasingtunog sila ng salitang “karindi-rindi”.

[3] Ang kompletong pangalan ni Lou ay, Lou C. Fer, na sa paglipas ng panahon ay sinabi ng mga tao na pangalan ng Diablo, o mas kilala sa pangalang Satanas. Kadalasan, siyay iginuguhit na may sungay at may buntot na parang kalabaw. Isa rin yan sa dahilan ng pagrerebelde ng puso ni Lou, maliban sa tunog babaeng pangalan niya.

[4] Ito ang tama: Sa agua bendita sila’y napapaso?

[5] Kung hindi nyo pa alam, ang kuwago ay sumisimbulo ng karunungan. Kung mapapansin nyo, ang inyong mga aklat ay may nakaguhit na kuwago na may salamin. Iminumungkahi ng larawan na ang kuwago ay simbulo ng karunungan o kaalaman. Ang salamin naman ng kuwago ay nagsasabing matanda na ang kuwago at kelangan na nito ng salamin. Di na makakita.

[6] Mas matalino ka ba kay Lou o kaparehas mo lang din sya na hindi naintindihan ang sinabi ni Manli? Kung oo ang sagot mo, eto ang paliwanag sa sinabi ni Manli, pero kung hinde ang sagot mo, wag mo nang basahin ito: Nawawala ang hari ngunit ang uri ay hindi… ang pakahulugan niyan batay sa konteksto ng kaling usapan ay, hindi imposibleng pwedeng baguhin ni Manli ang itsura ng mga nilalang ni Lou sampu ng kanyang kasamahan, pero mabago man ni Manli ang itsura nila, ang kalooban nila ay ganun parin, kung kayat, nawawala ang hari (ang itsura), ngunit ang uri (ang tatak niya o nag kalooban niya, ang kanyang nature) ay hinde.


Chapter 3: Click here

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s