Chapter 2

Posted: March 9, 2011 in Nang Umibig Ako
Tags: , ,

Nang Umibig Ako
by Samwel

Chapter 2

A las kuatro y medya palang ay gising na si Persofina. Nagluluto na siya ng pagkain. Eksaktong a las singko y media ay nakahanda na ang agahan. Kumain na siya at naligo at nagbihis. She was excited on her first day of work At dahil unang araw, a las siete y medya palang ay nasa opisina na siya. Ayaw niyang sa unang araw niya sa kompanyang kanyang papasukan ay male-late na siya.

Naglalakad siya sa lobby ng kumpanya nang may tumikhim at kumalabit sa kanya.

“Ay, Dios por Santo,” ang bigkas niya dahil sa pagkagulat. Di niya napansin dahil sa eksaytment niya sa pagpasok na may isang lalaki palang humahabol sa kanya. At nang makita niya kung sino ang lalaki, napamaang ulit siya. Tila tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo. Sa kanyang harapan ay nakatayo ang lalaking nakabangga sa kanya noong isang araw. Nakangiti ito ng matamis na matamis. Mas lalo itong gumuwapo sa suot nitong long sleeve at slacks. Para siyang presidente sa isang kumpanya. Shit! Ano bang nangyayari sakin, sigaw ng isip nya. Bakit ako kinakabahan ng ganito?

“Ikaw nanaman?” ang sinabi niya pagkatapos makabawi. “Sinusundan mo ba ako?” At sinabayan niya ito nang pagtaas ng isa niyang kilay. Pilit nyang kinokontrol ang kanyang galaw at ang daloy ng kanyang isipan. Hindi mapakali ang kanyang mata. Di nya alam kung titititgan ba nya ito sa mata o hindi. Pag tinititigan nya ito sa mata parang nanlulumo sya.

Mas lalong lumuwang ang pagkakangiti ng lalaki kasabay ng paghingi nito ng dispensa sa nangyari noong isang araw. “Pasensiya na ulit miss sa nangyari noong isang araw. Di ko naman talaga sinasadya iyon,” ang pasimula nito. “Ako nga pala si Rikardino,” ang pag-iiba nito ng usapan at iniabot nito ang kanyang kamay para pakikipagkamay. “Rikardino, as in letter k at hindi c. Lagi kasi nilang namimisspel ang pangalan ko, lagging c ang nilalagay nila imbes na k,” paliwanag nito kahit di naman tinatanong.

Tiningnan lang ni Persofina ang kamay ni Rikardino na nakalahad. Pilit niyang pinipigil ang paglabas ng tawa mula sa kanyang bibig. Kengkoy din pala ang isang ito, sa isip isip nya. Natatawa kasi siya sa pangalan nitong Rikardino at mas lalo pa siyang natawa sa paliwanag nito. Iniisip ni Persofina na hindi nito bagay ang kanyang pangalan. Hindi bagay sa itsura nitong guapo. Mas mabuti pa kung Richard o kaya ay Nathan dahil mas bagay ito sa kanya.

Nang hindi inaabot ni Persofina ang kamay ni Rikardino a binawi na ng huli ang kanyang kamay. Napansin niya ang mukha ni Persofina na tikom ang bibig at naniningkit ang mata na parang pilit pinipigil na tumawa. Naisip nalang niya ang ang dahilan nito ay ang panglan niya na sa totoo nga naman e talagang nakakatawa. “Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” pagkuway tanong ni Rikardino.

“Wala ka ng pakialam doon,” wika ni Persofina at tumalikod na siya sa lalaki.

“Teka-teka, di ko pa alam ang pangalan mo,” habol ni Rikardino. Pero di na pinansin ni Persofina ang sinabi ni Rikardino. Kinikilig man siya dahil gustong malaman ni Rikardino ang kanyang pangalan, kinailangan na niyang umalis sa harapan nito bago tuluyang bumigay ang kanyang mga paa at ipagkanulo siya ng kanyang nararamdaman.

Dumeretso na siya sa opisina ni John. Umupo lang siya sa gilid at makalipas ang ilan pang minuto ay dumating na din ang kasama niyang sekretarya. Ito rin ang babaeng nagpapasok sa kanya noong inenterview siya.

“Hi, ako si Persofina,” ang bati niya rito.

“Ikaw ba yung bagong sekretarya?” tanong nito sa kanyan. Tumungo naman siya tanda ng pagsabing siya nga. “Ako si Mary, ako ang makakasama mo dito. Halika at ituturo ko sayo ang mga dapat mong gawin bilang secretary.”

Itunuro sa kanya ni Mary ang kanyang trabaho bilang isang sekretarya. Paminsan minsan ay siya ang pinapapasok nito sa opisina ni John para sa kung anu-anong papel na hinihingi nito at kung anu-anong mga papel na pinapapirmahan. Hindi na napansin ni Persofina ang mabilis na pag-andar ng orasan dahil sinubsob na niya ang ulo sa trabaho.

“Ang sipag mo naman,” ang narinig ni Persofinang sabi ng pamilyar na boses. Bigla syang kinabahan. Mula sa pagkakayuko dahil sa mga inaayos nitong mga mga papeles ay tumingin si Persofina kay Rikardino.

“Ikaw nanaman!” ang pagtataray niya dito. “Umalis ka na nga dito at marami akong ginagawa! Ano bang ginagawa mo dito at andito ka?”

Nabigla si Mary sa asta ni Persofina kay Rikardino. Magsasalita sana ito pero sinenyasan siya ni Rikardino na itikom nito ang bibig. Nakatingin lang si Mary kay Persofina at Rikardino.

“Gusto ko lang namang malaman ang pangalan mo,” sabi ni Rikardino.

“Bakit kailangan mong malaman ang pangalan ko? Sino ka ba sa akala mo, hah?” pagtataray parin ni Persofina.

Biglang sumingit si Mary sa usapan at sabi niya, “Siya ang…” ngunit pinutol ito ni Rikardino ang iba pa nitong sasabihin at sinabing, “Maintenance Janitor. Ako ang Maintenance Janitor dito. Kaya masanay ka nang araw-araw mo akong nakikita dito at araw araw akong daraan sa mesa mo.”

“Naman pala, e bakit kelangan mo pang malaman ang pangalan ko?”

“Wala lang,” pahayag nito. “Gusto ko lang malaman. Hindi naman siguro masama dahil binata ako at hindi ka naman mukhang may asawa na, diba?”

“May boyfriend na ako,” paangas na sabi ni Persofina, “kaya tigilan mo na ako kung ayaw mong ipabugbog kita sa kanya.”

“Basta ba sabihin mo lang kung anong pangalan mo at titigilan na kita,” ang sagot ni Rikardino.

“Persofina. Persofina Makulangan. Hayan, kontento ka na ba?” nandidilat pa ang mata ni Persofina nang sinabi niya ito kay Rikardino.

“Persofina. Hmmm, magandang pangalan, bagay sa iyo dahil maganda ka at bagay tayo,” wika ni Rikardino.

Nakaramdam ng tuwa si Persofina sa mga binitiwang salita ni Rikardino. Hindi nalang niya ginawang isyu ang huling sinabi nito dahil ayaw niyang humaba pa ang usapan. Hindi man niya aaminin, may mumunting galak siyang nadarama kapag nakikita niya ang binata.

“Oh sige, umalis ka na at marami pa akong gagawin,” wika ni Persofina sa binata.

“As you wish, my lady” sabay yuko ni Rikardo na parang isang prinsipe na yumuko sa isang prinsesa. Tumalikod ito kay Persofina at pumasok na ito sa opisina ni John.

“Naku, kawalang hiya ng taong yan,” nasambit ni Persofina, di man lang kumatok sa opisina ni boss John, basta nalang pumasok.

Tulala si Mary sa bilis ng mga pangyayari. Nagugulumihan siya kung dapat ba niyang sabihin kung sino si Rikardino kay Persofina o tatahimik nalang siya. Pinili parin niya ang huli, tutal, parang ayaw din namang sabihin ni Rikardino kung sino siya kay Persofina.

Nakailang minuto ang lumipas at lumabas na si Rikardino dala ang trash bin mula sa loob ng opisina. Kinindatan pa niya si Porsefina bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo. Habang papalayo si Rikardino, may lungkot na nadarama si Persofina. Nagkibit balikat nalang siya at ipinagpatuloy ang kanyang trabaho.
———————

Masayang umuwi kinahapunan si Persofina. Bago siya dumeretso sa bahay nila ay dumaan muna siya sa bahay nila Brandon. Namimiss na kasi niya ang binata dahil ilang araw na din itong di dumadalaw sa kanila. Naiintindihan naman niya ito dahil may pasok ito at kailangan siguro nitong magreview ng mga aralin.

“Tita Miling, andiyan ba si Brandon?” tanong niya sa ina ni Brandon nang makita niya itong nagwawalis sa harapan ng bahay ng mga ito.

“Nasa loob,” sagot naman nito. “Puntahan mo na sa loob.”

Mabait ang ina ni Brandon na si Aling Miling. Mula pa noong bata siya, lagi siyang nagpupunta sa bahay ng mga ito para makipaglaro kay Brandon at tinatrato pa nga siya nito na parang anak. Hanggang sa magdalaga siya, lagi siyang welcome sa bahay nila. Minsan nga ay natanong nito habang magkasama silang dalawa ni Brandon na nanonood ng paborito niyang palabas kung magkasintahan sila.

Nabigla pa siya sa tanong ni Aling Miling kung kayat di siya agad nakasagot.

“Oo ‘nay, kasintahan ko siya,” sagot naman ni Brandon noon na labis niyang ikinatuwa kahit alam niyang pabiro ang pagsabi ni Brandon.

“Kung gayon, ay nako, natutuwa ako,” sabi ng nanay ni Brandon. “Sigurado akong nasa isang mabuting babae ang anak ko, at maganda pa. Siguradong magaganda at magugwapo ang magiging apo ko nito.” At sinabayan pa nito ng pagtawa.

Nag-init ang kanyang mukha sa sinabi ng nanay ni Brandon. Mas lalo siyang di mapakali dahil nakatingin si Brandon sa kanya habang nakangiti.

“Biro lang iyon inay,” pagdakay narinig niyang sabi ni Brandon sa nanay nito. Magkaibigan lang po kami.”

“Ay naku itong batang ito, lagi nalang akong binibiro. Ano pa bang hinahanap mo sa isang babae at bakit di mo nalang ligawan si Persofina?”

“Di po niya ako gusto inay e. Kaibigan lang turing niya sakin,” sagot ni Brandon sa kanyang ina.

Gusto sanang kontrahin ni Persofina ang sinabi ni Brandon pero hindi na niya itinuloy dahil wala siyang lakas ng loob para sabihin dito ang kanyang nararamdaman. Tahimik lang siya at ngumingiti-ngiti.

Pumasok na ng bahay nina Brandon si Persofina matapos nyang matanong si Aling Miling kung nasa loob si Brandon. Dumeretso siya sa sala. Naabutan niyang nakapikit si Brandon at natutulog sa upuan sa sala. Nakabukas ang telebisyon. Lumapit siya dito at umupo ng dahan dahan sa tabi nito. Hindi gumalaw ang binata at taimtim sa kanyang pagtulog. Matagal na umupo si Persofina sa tabi ni Brandon at tinititigan ang mukha ng binata. Ang mukhang kung ilang beses na din niyang napanaginipan. May mga tumutubong buhok mula sa naahit nitong balbas. Hinawi niya ang iilang buhok na tumatakip sa mukha nito.

Gising Brandon. Nanonood siya ng t.v nang marinig ang boses ni Persofina na kausap ang kanyang ina. Hindi na niya nagawang patayin ang t.v. at humiga nalang siya sa upuan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagkunyaring tulog. Gusto niyang gulatin si Persofina na gawain na niya mula noong sila ay mga bata pa.

Naramdaman niya ang pagpasok ng dalaga at ang pag-upo nito sa kanyang tabi. Hindi niya naramdamang gumalaw ang dalaga. Didilat na nga sana siya para tingnan si Persofina kung ano ang ginagawa pero pinigil niya ang sarili. Pilit niyang kinontrol ang paggalaw ng kanyang mga mata.

Naramdaman niya ang paghawi ni Persofina sa buhok niya sa kanyang mukha. Natuwa siya sa mumunting ginawa ni Persofina. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Naalala niya ang kasunod ng mga ganoong gesture ay ang paghalik ng babae sa lalaki na natutulog batay sa kanyang mga napanood na sine. Hinintay niyang maramdaman niya ang malalambot at mapupulang mga labi ni Persofina sa kanyang mga labi. Wala siyang nahintay. Naramdaman niya ang pagyugyog ni Persofina sa kanya.

“Brandon, Brandon,” bigkas ng dalaga sa kanyang pangalan.

Nakailang yugyog pa si Persofina bago nagmulat si Brandon. Umakto itong gulat dahil nandoon si Persofina.

“Oh, Persofina, anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa dalaga at dahan-dahan itong bumangon. Nag-inat pa ito at naghikab.

“Brandon, may trabaho na ako,” sambit niya dito na siyang siya.

“Talaga,” sabi ni Brandon na natutuwa para sa kanyang kaibigan.

“Oo,” wika ni Persofina sabay yakap dito. Kapagdakay bigla siyang naging conscious sa ginawa niya. Bigla siyang bumitiw dito at umaktong parang wala lang kahit sa totoo lang ay biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib.

Si Brandon naman ay biglang natigilan nang yakapin siya ni Persofina. Di niya inaasahang yayakapin siya nito. Sa tagal na nilang magkaibigan di pa siya niyakap nito bagamat may mga pagkakataong nakapulupot ang kamay nito sa kanyang kamay.

“Congratulations sa iyo,” wika ni Brandon pagdaka.

Ilang minuto pa silang nagkuwentuhan tungkol sa bagong trabaho ni Persofina at sa kung ano-anon pang mga bagay bago umuwi si Persofina sa kanila. Madami dami din silang napagkuwentuhan pero hindi nabanggit ni Persofina ang tungkol kay Rikardino.

Chapter 3: Click here

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s