Chapter 3

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Buhay sa Unanglupa at Ang Unang Pagsakop at Ang Pagkamatay ni Ang-ang
Ikatlong Kabanata

“Oh kasakimang makapangyarihan, kung tumama kahit kanino man, gagawin ang lahat, mahangad lamang ang nais makamtan, o makamtan lamang ang nais mahangad.” – MayAkda

At sa lupain nga ng Unanglupa ay namuhay ng tahimik ang mga duwende, tao at mga tikbalang. Mula nang pinatalsik nila ang mga kampon ng kadiliman – mga aswang, tiyanak, kapre at kung ano-ano pang mga nilalang, ay ibinigay nila ang kanilang lahat-lahat para sa ikabubuti ng lahat. Pero tulad nga ng kasabihang “lilipas din yan,” ay dumating ang panahong lumipas din ang matiwasay at mapayapang buhay nila.

At doon nga sa Unanglupa, ang namumunong si Haring Liit, si Presidenteng Tangkad at si Pinunong Hayoptao ay nagkaisa at gumawa ng kasulatang sila ay magtutulungan sa pang-habang panahon. Nilagdaan nila ang kasulatan at ipinako nila ito sa isang puno sa tuktok ng Bundok Bungo.[1] Matatandaang wala pang naimbentong papel noon kayat sa puno sila umuukit o nagsusulat.

Ngunit dumating si Lou sa lupa, tatlo ng kaniyang kabarkada[2]. Sila’y nagtungo sa Dakoparoon at pinamunuhan ang mga kampon ng kadiliman. Si Lou ang pinakapinuno nila dahil nadin sa mas nauna siyang nalikha kesa sa iba pa.

At doon nga, ipinag-utos ni Lou na maghanda sila sa kanilang pagsakop. Tinawag niya ang mga tiyanak na gutom na gutom. Sumigaw ang mga tiyanak, “Panginoong Lou, kami’y nagugutom na.” At sinabayan din naman ng mga aswang, “Paningoong Lou, kami’y uhaw na uhaw na.” Ang mga kapre naman ay sumigaw din ng, “Panginoong Lou, gusto na naming manigarilyo.”

“Mga lintik!

Tumahimik!” ang sigaw ni Lou pero kinain lamang ito ng sigaw ng mga tiyanak, aswang at kapre. Kung kayat, gamit ang kanyang pito, ay pumito siya ng pagkalakas-lakas. Isang lalagyan ng bulaklak (o vase sa Ingles) na kinuha ni Lou sa Kalang, kung saan doon natutulog ang mga muses and graces ni Zeus ng Olypus, ang nabitak dahil sa lakas ng pagpito niya. Tumahimik ang buong kademonyohan, o angkan o mga alagad (mas masarap basahin kung alagad). Nakatingin lahat sila nang may takot kay Lou.

Gumawa sila ng plano kung pano nila sasakupin ang Unanglupa. Pangungunahan ni Ang-ang[3], ang kasamang Manula ni Lou na pumunta sa lupa, ang mga aswang. Si Lord Baldemor[4] naman na isa ding Manula, ay pangungunahan ang mga tyanak. Ang mga kapre naman ay ginawang guarda ni Lou. Si Luna[5] ay ang kanyang kanang kamay, isa ding Manula. Palibhasa si Lou ang pinuno kung kayat siya’y naksakay sa balikat ng isang kapre, kasama niya si Luna.

Nagsigawan ang mga kapre ng, “Mabuhay si Panginoong Lou! Mabuhay!” ngunit dahil sa dami nila, at dahil hindi sabay sabay ang kanilang pagsigaw, tanging pinagsamang alulong ng aso at ingay ng palaka ang maririnig. Pilit ini-intindi ni Lou ang sinasabi ng kanyang mga alipores ngunit di niya ito maintindihan, kung kayat isinawalang bahala niya nalang ang isinisigaw ng mga ito.

Syempre, sa bawat pulongan, dapat may traydor para mas masaya. Palibhasa may isang aswang na ayaw ng klase ng pamumuno ni Lou kung kayat nagpadala ng “tip” sa mga nakatira sa Unanglupa. Kayat ang surpresang paglusob ni Luna sampu ng kanyang mga alagad ay hindi naging surpresa.

Pagdating ng mga alagad ni Luna sa lupain ng mga duwende, tao at mga tikbalang ay nakahanda na ang mga ito. Gamit ang kanilang mga espada, itak, kutsilyo, palakol, ay naitaboy nila ang mga kampon ng kadiliman. May mga namatay sa kanila ngunit hindi naman ito kumalahati, o umapat (aapatin) sa mga napatay nilang mga aswang at mga tiyanak. Isa sa mga namatay sa sandatahan ng mga maligno at demonyo ay si Ang-ang. Isang sibat (dahil nag-aral ng sibat ang mga duwende at tao at mga kabayo, este mga tikbalang) ang tumama sa dibdib ni Ang-ang na naging dahilan ng kanyang paghihingalo. At di kalaunan, kanyang ikinamatay.

Kumaripas ng takbo ang mga kampon ni Lou. Nagsisisigaw si Lou:

“Huwag kayong tumakbo!
Huwag kayong sumuko!
Kung yan ay gagawin niyo,
Ako ang magpapayao sa inyo!”

Ngunit walang umintindi sa sigaw ni Lou dahil ang nasa isip ng kanyang alagad ay tumakas at tumakbo, para di mamatay, lalo’t nakita nilang wala nang buhay ang isa sa kanilang pinuno.

Maging ang kapreng kinasasakayan nina Lou at Luna ay nagsimulang tumakbo, kung kayat nahulog si Lou at Luna mula sa balikat ng kapre. Sila ay bumagsak sa lupa at sumigaw sila sa sakit ng pagkabagsak nila. Ilang beses pa silang muntik nang matapakan. At nang makita ni Lou at Luna na wala na ang kanilang mga heneral, mga sundalo at kampon, dali-dali nadin silang tumakbo.


[1] Ang Bundok Bungo ay tinatawag ding Mt. Golgotha o Mt. Calvary, kung saan, parehong bundok din ipinako si Kristo. Ito ay matatagpuan sa Herusalem. Ang Herusalem ay ang bansa ng mga Israel, na kung tawagin ngayon ay Middle East.

[2] Este, sampu ng kaniyang kabarkada.

[3] Halaw sa lenguwaheng Ilocano na ang ibig sabihin ay “walang alam”.

[4] Ang tamang bigkas ay Lord Valdemort. Siya din ay mas kilala sa tawag na “Kilala mo na (You-Know-Who)” o “Siyang di dapat Binabanggit ang Pangalan (He-Who-Must-Not-Be-Named)”

[5] Ang ibig sabihin ng Luna ay “buwan” mula sa diksyonaryong Webster. Dito din nagsimula ng salitang “lunar” na naririnig nyo ngayon, tulad ng “lunar eclipse” at ibp. Sa matandang Grigeyong literatura, ang salitang Luna ay tumutukoy sa diosa ng buwan. Pero sa kwentong ito, ang Luna ay dinaglit mula sa salitang Lunatic (o Lunatiko). Alam mo ba ang ibig sabihin ng lunatic o lunatiko? Kung hinde, hanapin mo sa diksyonaryo. He! He! He!


Chapter 4: Click here

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s