Chapter 4

Posted: March 9, 2011 in Nang Umibig Ako
Tags: ,

Nang Umibig Ako
by Samwel

Chapter 4

“Persofina, andyan si Brandon, hinahanap ka,” wika ni Aling Sofia kay Persofina. Pumasok ito sa kuarto ng dalaga para ipalam rito na naghihintay si Brando sa kanya sa sala. A las siete na noon nang gabi. Nasa kanyang kuarto si Persofina at nagbabasa. Nagpapalipas siya ng oras dahil wala siyang magawa. Di pa naman siya kakain.

“Ho?” sagot ni Persofina. Hindi niya inaasahang pupunta si Brandon sa kanila. Kung magpunta man kase ang binata sa kanila lagi siyang inaabisuhan. Kung alam lang sana niya na darating si Brandon e di sanay nagbabad siya sa tubig kaninang nagshower siya at nagkuskos ng katawan. Nagsabon ng maayos para mabangong mabango siya.

“Si Brandon kako, andiyan sa sala at hinahanap ka,” ulit ng kanyang ina.

“Sige po, pupuntahan ko na po siya.”

Bumangon si Persofina mula sa pagkakahiga sa kanyang maliit na kama. Naglagay ng pulbos sa kanyang mukha at nagwisik ng kaunting pabango. Inamoy amoy nya ang sarili at nang makontento, sinipat ang kanyang mukha sa maliit na salamin sa kanyang kuarto. Dinilaan pa niya ang kanyang labi. Mapupula ito na umusli nang kaunti. Parang lips ni Angelina Jolie sabi nga ng mga kaklase niya noon. Nang masiguradong ayos na ang kanyang itsura, tinungo niya ang sala.

Tumayo si Brandon pagkakita niya kay Persofina. Nakapusod ang mahabang buhok ng dalaga. Medyo singkit ang mata nito na bumagay sa hindi naman pango at di rin matangos na ilong.

“Oh, pormang porma tayo ngayon ah,” puna ni Persofina kay Brandon nang makitang bihis na bihis ito. Nakasuot ng poloshirt at maong na pantalon at rubber shoes. “Saan ba ang kasalan o may aakyatin ka ng ligaw,” pabirong wika ni Persofina.

“Ikaw ang liliwagan ko kung pwede sana,” ang mga namutawing salita sa mga labi ni Brandon. Mula sa mga nakapalikod na kanyang mga kamay ay inilabas niya ang tatlong pulang rosas at iniabot ito ito kay Persofina. “Para sa iyo.”

“Hindi nga. Wag mo nga akong pinagloloko Brandon. Kung ano-anong pinaggagawa mo.”

“Hindi ako nagbibiro Persofina,” at nakaangat parin ang kamay na may mga dalang rosas.

Natameme si Persofina. Di niya alam kung papaano magrereact. Oo ngat araw gabi niyang panalangin na sanay mapansin siya ng kanyang matalik nakaibigan pero nakakabigla pala pag nangyari na.

Nananatili silang nakatayo nang ilang segundo. “Tumigil ka nga dyan,” at pilit kinakalma ni Persofina ang kanyang sarili. Umupo siya sa upuan at sumunod din si Brandon. Inilapag ng huli ang bulaklak sa tabi ng upuan.

“Pumunta ako dito sa inyo Persofina para ligawan ka. Yun ang dahilan kung bakit andito ako,” paliwanag ni Brandon.

Asiwa si Persofina. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot sa mga sinabi ni Brandon. Nanatili siyang walang kibo. Ang kanyang mga daliri ay nilalaro laro ang laylayan ng kanyang damit.

Makalipas ang ilang minutong wala paring imik ang dalaga, binasag ni Brandon ang katahimikan.

“Persofina, uwi na ako.”

“Huh?”

“Kase, hiyang hiya ako sa pinaggagawa ko. Sana di parin magbago ang pagturing mo sakin. Di ko lang kasi mapigilan ang sarili ko.”

Biglang naghari ulit ang katahimikan. Gusto sanang sabihin ni Persofina na huwag munang umalis si Brandon pero parang may bikig sa kanyang lalamunan at di niya masabi sabi ang nais sabihin. Matagal na niyang inaasam asam ang ganitong pagkakataon pero ngayong nangyayari na ang kanyang gusto, hindi niya alam kung anong dapat niyang gagawin.

Tumayo si Brandon. Nagsimula nang tumungo sa pintuan nang makasalubong niya si Aling Sofia na papasok ng bahay.

“Oh, ang bilis mo namang dumalaw Brandon, halika, kain muna tayo. Nakahapag na ang pagkain… tinawag ko lang ang tito Pedro mo.” Hinatak siya ni Aling Persofina pabalik.

“Persofina, halika na at nang makakain na tayo,” sabi niya sa anak.

Tumayo si Persofina pero di parin kumikibo. Nasa likod siya ni Brandon. Patungo sila sa kusina. Tumingin siya sa kanyang likod at kasunod niya ang kanyang amang si Pedro.

Habang kumakain silang apat, kumibo dili si Brandon kung kayat natanong ni aling Sofia kung may problama ba ito. Umiling lang si Brandon tanda ng pagsasabing wala.

Napansin din ni aling Sofia si Persofina. Hindi naman tahimik ang anak kung kumakain. Sa oras lang na iyon tahimik.

“May away ba kayong dalawa?” tanong nito sa dalawa.

“Wala po,” halos sabay pa na sagot ng dalawa at nagkatinginan pa sila. Si Persofina ang unang nagbaba ng kanyang tingin at hinarap ulit ang pagkain.

“Kung ganon, bakit ang tahimik nyo?” tanong ulit ni aling Persofina.

“Wala po, may nabanggit lang po ako kay Persofina,” paliwanag ni Brandon dahil naisip niya na mukhang di sila titigilan ng ina ni Persofina.

“Ala e, ganon ba. Kung ano pa man yan, pag-usapan nyong maige. Wala namang hindi naayos sa usapan,” mungkahi ni aling Persofina na walang kaalam alam sa nangyayari.

Tumongo si Brandon tanda ng pag-amin.

Matapos ang hapunan, tuluyan nang nagpaalam si Brandon.


Chapter 5: Click here

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s