Chapter 5

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Alamat ni Malakas at ni Maganda
Ikalimang Kabanata

“Wala akong maisip na pwedeng sabihin dito, sa susunod nalang. Peron pala, “love will kick us away”” – MayAkda

Alam ko. Alam ko na alam nyo na ang kuwento ni Malakas at ni Maganda, ang unang tao sa alamat ng mga tao. Sila ay nagmula sa nabitak na kawayan na tinuka ng isang malaking ibon. Malaking, malaking, malaking ibon iyon na may ulo. Oo, may ulo. Ito din ay may panuka at may pakpak[1], na naghahanap ng makakain at nang makakita ng butiki sa may kawayan ay tinuka iyon at nabitak ang kawayan. Hindi na naikuwento ang tungkol sa butiki dahil nagtapos na ang kuwento nang lumabas si Malakas at si Maganda.

Anyways, anyhow, anynew, anywhere, everywhere… ang Alamat ni Malakas at ni Maganda sa literaturang ito ay iba sa kuwentong sinabi ng inyong guro noong kayoy nasa una o ikalawa o ikatlong baitang. Magkaiba sila. Di pa kase alam ng guro nyo noon na mayroong ibang bersyon ang Alamat ni Malakas at ni Maganda. Wala pang internet noon kase kayat di pa sila nagsesearch through net at panay library lang sila, minsan pa, tinatamad pa sila dahil sa dami ng libro, o di kayay dahil tamad lang sila talaga maglibrary.

So, eto na ang Alamat ni Malakas at ni Maganda. He! He! He! Ang haba ng introdaksyon!

Babala: Hindi kapupulutan ng aral at hindi ito pangbata. Pangmatatanda lang ang kabanatang ito. Kung bata ka, pinapayuhan kitang antayin mo nalang ang susunod na kabanata, o di kayay ipakuwento mo nalang sa nanay o tatay mo ang parteng ito.

Unang Yugto: Si Maganda, tranannnnnnnn….

Noong unang panahon, noong ang mundo ay binata o dalaga pa o bata pa (Sa Ingles, when the earth was young), sa kapuluuan ng Unanglupa ay may isang Presidente na ang pangalan ay Tangkad. Si Tangkad ay mabuting presidente sa kanyang nasasakupan. Pero may isang bagay silang nagawa kung kayat ang mabuting pakikitungo sa kanila ng mga duwende at tikbalang ay naputol.

Matapos ang tangkang pakikipagbati sa dalawang grupo ay umuwing luhaan ang mga tao dahil at sapagkat  ang kanilang tugon ay di dininig. At sila na nga ay namuhay na sisila lamang. Si Presidente Tangkad ay may asawa si Juana. Si Juana ay maraming anak. Si Pedro, si Mateo, si Marcos, si Lukas, si Juan, si Santiago, si Hudas at marami pang iba. Sa dami ng kanyang anak, meron bukod tanging naiiba, si Maganda. Bukod tangi dahil magisa niyang babae. Si Maganda ang kanilang prisesa. Makinis na kutis, mahaba ang buhok, malulusog na ganun, balingkinitang katawan, mapupulang labi, singkit na mata (pero wala siyang lahing Chinese). Marami ang nanliligaw kay Maganda pero parang bato ata ang puso niya, wala ni isa man sa kanila ang pumasa sa kanyang panlasa.[2]

Laging pumupunta si Maganda sa Gubat Blue at doon laging naliligo. Gubat Blue dahil kulay asul ang tubig, repleksyon iyon ng asul na kalangitan. Simple logic di mo pa masundan. Doon din siya nagpapalipas ng oras at doon naglalaro. Isang araw, pagkatapos niyang maligo, ay hinahanap niya ang kanyang kasuotan, dahil nilapag nya lamang iyon sa batuhan pero nawawala naman na.

Hanap siya dito, hanap siya doon at kung saan saan. Mangiyak ngiyak na sya halos dahil hindi niya makita ang kanyang saplot.

Siya ngayon ay lumuhod at sa pumapatak niyang mga luha at garalgal niyang boses, siyay nagdasal sa kanyang isipan (ibig sabihin, hindi niya binigkas ang mga salita):

“Mahabaging Manli, akoy iyong tulungan. Nawawala ang aking kasootan, ano ang dapat kong gawin. Nakakahiya ang umuwi ng walang saplot at sigurado akong magiging sentro ako ng tuksuhan. “

“Mahabaging Manli, ituro mo sakin kung asan ang aking damit. Maawa ka, maawa ka.”

Mula sa pagkakayukod ng kanyang ulo ay napansin ni Maganda na may anino sa kanyang harapan. Nginig ang tuhod na itinaas nya ang kanyang ulo para kilalanin kung sino ang taong nangahas na tignan at usisain ang kanyang kahubdan.

Nang makita niya ang lalaking nakatungo sa kanya, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso, ang paligid niya ay naging kulay pula, ang mga bulaklak ay nagkakantahan at nagsasayawan, angmga paru-paro ay nagliliparan, ang dampi ng hangin ay may taglay na kakaibang dampi, ang mga anghel ay nagsisiawitan at ang mga kampana ay tumutunog, maging ang kanyang mga mata ay nagkorteng puso. Tumayo si Maganda at lamapit sa taong nakatungo sa kanya, niyakap niya ito ng mahigpit sabay halik sa labi nito. Tsup! Tsup! ang tunog.

Ikalawang Yugto: Si Malakas, trantananannnnn…

Noong unang panahon, sa lupain ng Unanglupa, ay may naninirahang mga duwende. Ang mga duwende doon ay tulad nga ng sabi ko sa unang kabanta ng kuwentong ito, silay hindi maliliit, bagkos, matatangkad tulad ng sa tao, pero hindi naman sila tao. Kumbaga, kung narinig nyo na ang bugtong na ito: “Bugtong bugtong mahaba ang ilong,” ang sagot diyan ay duwende.

Sa kaharian ng mga duwende pagkatapos mamaalam ni Haring Liit,[3] ay sabi ng mga duwende na pumalit sa kanya si Inang Reyna. Si Inang Reyna ang asawa ni Haring Liit noong nabubuhay pa ito. At dahil siya ang reyna, siya nga talaga ang pumalit kay Haring Liit sa pamumuno sa angkan ng mga duwende.

Si Inang Reyna ay masamang masama ang loob sa mga tao at sa mga tikbalang. Kanyang sinabi na kung hindi dahil sa kapabayaan ng mga tao at mga tikbalang, buhay pa sana ang kanyang si Haring Liit. Kung kayat sa kanyang pamumuno, kanyang ipinag-utos sa lahat ng kaduwendehan na bawal ang makipag komunikasyon sa mga tao. Batas ang utos ni Inang Reyna. Ang sinumang mahuhuling hindi susunod dito ay babarilin; at kung buhay pa, babarilin ulit na pag isinalin sa Ingles ay, “All violators will be shot; all survivors will be shot again”.

Si Inang Reyna, tulad ni Presidente Tangkad, ay marami ding mga anak. Si Mariang birhen, si Magdalenang babaeng mababa ang lipad, si Elizabeth na baog, Si Hermoine ni Ronald Weasley na kaibigan ni Harry na nag-aaral sa HogWart, si Prinsesa Zeena na tomboy, si Helen na maganda na nanirahan sa Troy dahil itinakbo ni Paris na anak ni Matandang Priam, at kung sino-sino pa. Madami din siyang mga anak na lalaki at isa na doon si Malakas.

Si Malakas (para sa inyong kaalaman, sasabihin ko kung bakit Malakas ang kanyang pangalan, dahil malakas siya) ay habulin ng mga babaeng duwende. Pero sadyang itinakda ata ni Manli na hindi siya sa isang tulad niya iibig.

Isang araw, habang siyay nangangahoy (wala pang stove o gas noon) sa kagubatan ng Asul (Bundok Blue) ay may namatyagan siyang isang babaeng sobrang kay ganda. Makinis ang balat, mapupulang labi, malulusog na ganun,mahabang buhok at basahin mo nalang yung description ko sa itaas, inulit ko lang e.

Ang pusong di tumitibok ni Malakas ay biglang tumibok ng malakas. Inilalapit siya sa babaeng naliligo sa batis. Pero namumula ang kanyang pisngi sa kalangitang nakaparada sa kanyang harapan. Kung kayat, nang makita niya ang damit ng dalaga sa gilid, sa isang bato, ay dali-dali niya itong kinuha at nagtago.[4]

Nakita niya ang dalaga na parang baliw itong naghahanap sa kanyang kasuotan, at andun naman si Malakas sa gilid na tawa ng tawa habang tinitingnan ang babaeng hubad at naiiyak na sa kahahanap ng kanyang kasuotan.

Nakita niya ang babaeng lumuhod at umiiyak. Nakonsensya naman siya kung kayat lumabas siya sa kanyang kinatatagoan at lumapit sa babae dala ang mga kasootan nito. Nang tingnan siya ng babae, nagitla nalang si Malakas ng tumakbo ang babae sa kanya at yumakap ito at sabay halik sa kanyang mga labi.

Uminit ang pisngi ni Malakas at may nabuhay sa kanya na natutulog.

Dito na nagtatapos ang Yugto ni Malakas. Ang susunod ay ang Pag-iibigan ni Malas at ni Maganda.

Ikatlong Yugto – Ang Pag-iibigan ni Malakas at ni Maganda

Sa totoo lang, wala talagang ikatlong yugto na ang pamagat ay Ang Pag-iibigan ni Malakas at ni Maganda, pero may Ikaapat na Yugto – Si Malakas at si Maganda, tranannnn. Abangan nalang, okay?

Ikaapat na Yugto – Si Malakas at Si Maganda, tranannnnnnnnn

Babala: Hindi pangbata! Ang bahaging ito ay hindi angkop sa mga batang mambabasa, patnubay ng magulang ay kailangan😀

Sa interview ni Boy Kalbo kay Maganda at ni Kris Makino kay Malakas sa progamang The Bee:

Boy Kalbo: Maganda, magandang hapon sa iyo at ikinagagalak naming ni Mareng Kris na nandito ka sa programang The Bee kasama ang iyong kasintahang si Malakas.

Maganda at Malakas: (kontodo smile).

Boy Kalbo: Matanong lang kita, bakit biglang umiba ang paligid mo noong makita mo si Malakas. Aba at nagkaroon ng mga bulaklak at mga paru-paro. Ano bang meron?

Maganda: (Smile, smile), kate tito Poy, akala ko ita tiyang Diot na pumapa ta lupa. Noon lang kate ako nakakita ng kakaipang nilalang. Alam mo na, pointed ang kanyang mga tainga tamantalang ako ay inde. At yun nga, kwapo tiya, na love at fet tayt ako. (namumula ang mga pisngi).

Boy Kalbo: Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! So, ang akala mo isa syang dios?

* Si Kris Makino naman ay tawa ng tawa sa gilid. Gamit ang queue card na pinantatakip sa bibig para hindi halata ang kanyang tawa.

Maganda: Opo, tito Poy. Akala ko ita tang tyos.

Boy Kalbo: Ha! Ha! Ha! Sabagay, kakaiba nga naman siya talaga. Gwapo nga, kaya di na ako nagtataka kung bakit ka nainlove agad pagkakita mo sa kanya. Okay Kris, kaw naman ang magtanong kay Malakas.

* Kris, tawa parin ng tawa dahil sa sagot ni Maganda. Makailan ang ilang minuto, umayos na sya at nagsimulang tanungin si Malakas.

Kris: Malakat, na-inlove at fet taym ka din ba kay Maganda?

Malakas: Actually, hindi e. gusto ko lang syang i-trippings noon, pero in that same day, nainlove din ako sa kanya.

Kris: Wow! Palakpakan! Poy, talagang kakaipa ang power of love. (Timingin ulit kay Malakas) Bakit mo naman itinago ang mga saplot ni Maganda?

Malakas: Hmmmm.. kala ko ba matalino ka? Trippings nga lang e. Sinagot ko na yan kanina. (Naging bastos si Malakas kay Kris dahil sa pagtawa nito sa paraan ng pagsasalita ni Maganda)

Natameme si Kris.

Boy: Okay, fellas, The Bee will be back after these patalastas.

Balik na tayo sa story proper.

Namula ang pisngi ni Malakas sa mga halik ni Maganda. Oo ngat madaming babaeng duwende ang naghahangad sa kanya pero iba parin pag babae ang nag-initiate ng galaw. Bigla siyang uminit kung kayat itinulak nya palayo sa kanya si Maganda. Ibinigay ni Malakas ang damit ni Maganda dito saka siya tumalikod. Isuot mo muna ang mga damit mo. At tumalikod nga ito.

Nasa silong sila ng isang puno. Puno iyon ng mansanas. Habang nakatalikod si Malakas at nagpapalit si Maganda, ang ahas na nakapulupot sa puno ay nagsalita kay Maganda, “Hissssss, hisssss, hissssssssss.”

At tinanong ni Maganda ang ahas, “Ano ang tinatabi mo?”

At sumagot ang ahas, “Hisssss, hisssss, hissss.”

“Di kita maintindihan, at taka hindi ako hit, her ako, her,” sabi ni Maganda na may diin sa mga salita.

“Sino kausap mo?” sabad ni Malakas pagkailan ng ilang minotong nakatalikod ay humarap kay Maganda.

“Yang ahat. May tinatabi tiya, pero di ko naiintindihan,” paliwanag ni Maganda.

Matamang tinitigan ni Malakas ang ahas. Ang sabi niya, “Aha! Ikaw ang ahas sa nagsasalita! At nagbigay ng mansanas sa aming mga ninuno kung kayat napalayas sila sa kanilang unang lupain.”

At sumagot ang ahas ng ganito, “Hisssss, hisssss, hiss……”

Ngunit di pa tapos magsalita ang ahas nang humiwalay na ang ulo nito sa kanyang katawan. Napasigaw si Maganda ng, “Ay! Batit mo pinutol ang ulo niya?” tanong niya kay Malakas.

“Baka utuhin din niya tayo. Mas mabuting patayin na natin kesa magkasala pa tayo.”

At namatay na nga ang ahas at hindi na sila ginambala sa buong maghapon.

Naglalakad-lakad si Malakas at si Maganda sa kagubatan ng may makita silang isang malaking kawayan na nakabuka. (Yung katawan ng kawayan ang nakabuka! Stress on the kawayan.) At dahil noon lang sila nakakita ng kawayan, sabi ni Maganda, “Ano ito Malakat. Bakit kakaiba ito?”

“Oo nga Maganda. Ngayon lang din ako nakakita ng ganito.” At pumasok sila sa loob ng kawayan dahil gusto nilang imbestegahin iyon. Pero sa di inaasahang pangyayari, bigla nalang nagsara ang kawayan at nakulong sa loob si Malakas at si Maganda.

Sumisigaw sigaw sila ng malakas, pero sadyang sisila lang ang tao at duwende sa lugar na iyon kung kayat walang nakakarinig sa kanila. Sa di kalayuan, may isang malaking ibon na naghahanap ng makakain. Sa paglilibot-libot ng malaking ibon, dahil gutom na gutom na ito, naghanap siya ng madadapuan. Pawang maliliit ang mga kahoy duon, dahil kahit malaki ang mga kahoy, e malaking ibon naman ito, kayat tingin niya sa mga kahoy e maliliit.

Nakita nito ang malaking kawayan. Dahan dahan siyang bumaba dito at gusto sanang magpahinga nang mapansin nito na may daga sa kawayan.[5] At ipinagaspas niya ang kanyang mga pagpak at dinaluhong ang daga sa pag-asang makain ito pero sadyang mabilis gumalaw ang daga at nakatakbo,[6] kung kayat ang kawayan ang natuka ng malaking ibon. At ang kawayan nga ay nahati sa dalawa. At mula sa loob ay nakita ng ibon si Malas at si Maganda na magkayakap.

“Hala kayo, ano ang ginagawa nyo,”  ang sabi ng ibon.

“Wala ah,” panabay na sabi ni Maganda at ni Malakas na na umiinit ang kanilang mga pisngi.

“Wala daw, e tignan nyo nga, magkayakap pa kayo at saka….,” tukso ng ibon.

“Wala talaga,” putol ni Maganda sa iba pang sasabihin sana ng ibon. “Plamit, wala. Nakulong lang kami dito kaya ganyan.”

Pero di naniniwala ang malaking ibon at lumipad na ito palayo.

“Ikaw kati, kung ano-anong ginagawa mo takin,” wika ni Maganda kay Malakas. “Hayan tuloy nakita tayo. Iapot mo nga tamit ko.”

At nagbihis na ang dalawa at inisip na umuwi na. Sinabi ni Malakas na ihahatid niya si Maganda at inihatid nga niya si Maganda sa kaharian ng mga tao. Nagulat naman si Presidente Tangkad ng makita si Malakas lalot hindi parin magkabati ang duwende at tao pero hetot narito si Malakas, anak ng reyna ng mga duwende.

Sinabi ni Malakas na mahal niya si Maganda at handa siyang ipagtanggol ito, kung kayat pinabayaan na sila ng presidente.

Isang araw, isang grupo ng mga tao ang napadpad sa Gubat Blue. At nang makita nila ang kawayan, silay lumapit doon dahil noon lang sila nakakita ng kawayan. At nang nasa kawayan na sila, biglang umihip ang hangin at may narinig silang mga bulong galling sa mga kawayan:

“May nangyari kay Malakas at Maganda sa kawayang ito… May nangyari kay Malakas at Maganda sa kawayang ito.”

Nagitla ang mga tao sa kanilang narinig kung kayat nang umuwi sila sa kabihasnan, kanilang ikinuwento ang tungkol sa kawayan. At ang mga tao nga ay nagpunta sa kawayan at kanilang narinig ang ibinubulong ng kawayan na may nangyari kila Malakas at si Maganda.

Nahihiya si Maganda sa balitang kumakalat sa kanilang lugar kung kayat isang araw, sabi ni Malakas kay Maganda habang nakahiga sila sa silong ng apple tree sa Bundok Blue na ipapakilala niya ito sa kanyang mga magulang.

“Natatatot ako,” sagot ni Maganda.

“Wag kang matakot, akong bahala sa iyo.”

At nagyakapan nga ulit ang magkasintahan at….. yun na.. ganun na nga, muli, nilasap nila ang kanilang pag-iibigan.

Dinala ni Malakas si Maganda sa kanilang kaharian pero tulad ng inaasahan, ayaw ni Inang Reyna kay Maganda. Hindi padin kasi nawawala sa kanyang isip ang sakit na dulot ng pagkamatay ni Haring Liit. At tuwing dumadampi ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang balat at naalala niya ang mga gabing malamig.

“Pero inay, mahal ko siya!” sabi ni Malakas.

“Nakalimutan mo bang babarilin ang sinumang tao na mapunta sa ating kaharian?”

Natameme si Malakas. At ipinag-utos ni Inang Reyna na ilagay si Maganda sa kulungan. Walang nagawa si Malakas kundi ang tingnan si Maganda habang kinakaladkad papunta sa kulungan. Isinisigaw ni Maganda ang paangalan ni Malakas, “Malakat, Malakat!” pero walang nagawa si Malakas. Gusto man niyang tulungan si Maganda ay hawak hawak siya ng mga sundalo ng kanyang ina. Nang gabi ding iyon, itinakas ni Malakas si Maganda mula sa kulungan. Nakita sila ng guardia at pinatunog ang tambuli para magising ang mga duwende. Hinabol nila si Malakas at si Maganda pero din a nila sila nahabol. Mula sa kadiliman ng gabi ay nawalang parang bula ang dalawa.

Mula noon, hindi na nakita o wala nang narinig pa patungkol kay Malakas at Maganda.


[1] Kaw hah, kung ano-ano iniisip mo. Inhale-exhale, clear your thoughts.

[2] Hindi po literal ang ibig sabihin ng “panlasa” dahil di naman niya tinikman ang mga manliligaw niya.

[3] Muli, hindi yan literal na “namaalam” bagkus, ibig sabihin ay, “namatay”. Kelangan ko bang laging ipaliwanag?

[4] Aba, bastos din pala itong si Malakas, dahil itinago pa ang damit ng babaeng naliligo sa batis. May balak ata e.

[5] Ang daga noon ay gumagapang tulad ng ahas. Pero isinumpa sila kaya nagkaroon ng mga paa. Pero hindi ko na ikukuwento yung kuwento ng daga kase kwento naman ito ni Malakas at ni Maganda.

[6] Kahit walang paa ang mga daga noon, nakakatakbo parin sila.

Chapter 6: Click here

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s