Chapter 5

Posted: March 9, 2011 in Nang Umibig Ako
Tags: ,

Nang Umibig Ako
by Samwel

Chapter 5

Naglalakad palapit si Brandon kay Persofina. Napansin ni Persofina si Brandon na palapit sa kanya. Isang hapon iyon at katatapos lang ng kanyang trabaho. Medyo masakit parin ang tama ng araw at pakiramdam niya ay ang taas taas parin ng araw kasi init-init na siya. Ilang segundo lang siya la labas e butil butil na ang pawis nya. Nasasanay na din kasi siya sa aircon na environment. Akalain mo bang umaga hanggang hapon na cool na cool ang environment niya tas paglabas niya e ang init init.

Nginitian niya si Brandon. “Saan ka pupunta?” bati niya rito nang tuluyan ng makalapit ito sa kanya.

Nagkamot ng ulo si Brandon. “Wala, inabangan lang kita.”

Kumunot ang noo si Persofina. Inaarok sa kanyang isip kung bakit siya inabangan ni Brandon at Bigla siyang kinabahan. “May masama bang nangyari?”

“Ah, e, wala,” pagtutuwid ni Brandon sa iniisip ni Persofina. “Gusto sana kitang ihatid sa inyo….. sa bahay nyo.”

Tuluyang lumuwag ang paghinga ni Persofina. Ang takot niya kanina ay napalitan ng tuwa. “Kala ko may nangyari ng masama,” ang natatawa niyang sambit at inaya na niya si Brandon pauwi.

Nahagip ng kanyang mata si Rikardino sa sulok. Tiningnan niya ito at ngumiti pero walang reaksyon sa kanyang mukha ang huli. Di man lang ito ngumiti sa kanya. Nakatingin lang ito sa kanila. Naisip niya tuloy na baka may nagawa siyang kasalanan dito. Pilit sinaliksik ang kanyang isip kung ano bang nagawa niya rito pero wala siyang maisip.

“May problema ba?” tanong Brandon sa kanya. Mula sa pagtingin kay Rikardino ay napunta ang tingin niya rito. Ngumiti ulit siya at sinabing wala. Naglakad na sila palabas sa compound ng kompanya.

Pasado A las sais nang gabi ng makarating na sila sa kanilang bahay.

“Salamat sa paghatid Brandon.” Humarap siya dito at nagpasalamat.

Ngumiti lang si Brandon. Bumuka ang bibig nito pero wala namang lumabas na mga salita. Parang may gustong sabihin na hindi masabi.

Hinintay ni Persofina kung may sasabihin si Brandon ngunit di naman umimik ang lalaki.

“Sige pumasok ka na,” nakailang segundo pa ang lumipas ng banggitin ito ni Brandon. Nagsimula nang maglakad papasok si Persofina. Binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Humarap kay Brandon at nagpasalamat ulit. Umakma siyang isasara na ang pinto.

“Wait.”

Lumuwag ang pintuan at tumingin si Persofina kay Brandon.

“Kuan, eh…” parang hirap na hirap si Brandon na bigkasin ang kanyang sasabihin.Nakatingin lang si Persofina dito hawak ang seradura ng pintuan.

“Persofina, I… I…”

Kinakabahan si Persofina. I love you! Iyon ang pilit simusiksik sa kanyang isip. Love you, iyon ang karugtong nang sasabihin ni Brandon. Ilang beses na nga ba nyang pinangarap na banggitin iyon sa kanya ng binata. Ilang beses na din siyang bigo dahil di naman nito sinasabi sa kanya. Hmmmm, kung di lang ako babae, ako na unang nagsabi sa iyo, yan ang lagi niyang iniisip. At ngayon, sa oras na ito, sasabihin na ni Brandon. Malakas ang tibok ng kanyang dibdib. Parang naririnig niya ito. Sumasabay sa malalalim niyang paghinga.

“I….I…Pwede bang lumabas tayo sa sabado?” tanong ni Brandon.

“I love yyy…” bigkas ni Persofina nang biglang rumehistro sa isip ni Persofina ang sinabi ni Brandon, “…to. I love too,” pag-uulit niya. “I love too. Sure. Why not?”

“Salamat! See you then on Saturday.” Ngumiti si Brandon at tumalikod na ito sa kanya at naglakad paalis sa kanila.

Isinarado ni Persofina ang pinto at tumakbo siya papunta sa kanyang kuarto. Para syang hinang hina sa nangyari. Nararamdaman niyang mainit ang kanyang mukha. Kung araw siguro ay kitang kita ni Brandon ang kanyang pamumula. Nagdasal nalang siyang sana hindi nahalata ni Brandon yng binigkas nya kanina. Sinisisi niya ang sarili niya. Kung ano-ano kasi ang iniisip nya. “I hate you!” bigkas nya sa sarili nya.

Next Chapter: Upcoming

Comments
  1. glenngem says:

    nasa na yung kasunod nito bkt wala padin?

  2. sedbloggy says:

    sorry tol.. medyo bisibisihan..pag medyo free itutuloy ko yan.😛 isip muna ako ng magandang kasunod

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s