Chapter 6

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Pagkasakop ng Unanglupa
Ikaanim na Kabanata

“Kelangan ba talagang may mga ganito? Pwede naman siguro kahit wala, diba?”-MayAkda

Unang Bahagi

Maraming taon ang lumipas at tahimik na nabuhay ang mga tao, duwende at mga tikbalang sa kanilang lupain. Inisip nila na hindi na siguro sasalakay si Lou dahil dalawang beses na itong napahiya sa tangkang pagsakop. Namuhay sila ng tahimik at matiwasay, bagamat ang sugat na namagitan sa tao, duwende at mga tikbalang ay hindi parin naghihilom. Lalo pang nag-apoy ang galit ng dalawang grupo, ang duwende at tao dahil sa nangyari kila Malakas at si Maganda. Patuloy parin ang silent war sa pagitan ng dalawa.

Marami pang taon ang lumipas.

Ilang pang taon ang lumipas.

Isa pa ulit na taon ang lumipas.

At sa Dakoparoon ay lumalakas ng lumalakas ang puwersa ni Lou at ni Luna. Kahit na sila lang dalawa ang naiwan ay nakaya nilang imaneha ang malaking kawan nila. Mas naging malalakas at walang awa ang mga tyanak, aswang at mga kapre. Sabi ni Lou isang araw sa kanyang mga tauhan:

“Tayo ay maghanda
Sakupin ang Unanglupa
Pagharian natin mga lamang lupa[1]
At tayoy magsasaya!”

Sumigaw ang mga kampon ni Lou ng “sumugod!” pero “goooodddd” nalang ang naintindihan ni Lou at Luna dahil sa di sabay sabay ng pagbigkas. “Goooodddddd” ulit na sigaw, at “gooodddd” parin ang sumunod.

Naghanda na nga ang kampon ni Lou sa pagsalakay isang kabilugan ng gabi, nang ang buwan ay buong buo sa kalangitan at pulang pula na parang nagsasabing dadanak ang dugo. Pero bago sumabak sa giyera sina Lou at Luna, ay kanilang naisip na nararapat lamang na maglagay sila ng proteksyon ulit sa kanilang katawan. Gusto nilang palakasin ang proteksyon nila dahil natatakot silang baka mapatay din sila tulad ng nangyari kay Lord Baldemor noon nang iuntog ni Haring Liit ang kanyang ulo sa mukha ni Lord B. Ayaw nila iyon, alam nilang masakit iyon. Kung kayat, kanilang inihanda ulit ang kanilang orasyon at kanilang idinagdag ang mga sumusunod na salita:

“Mukha nila o ngipin
Ay di tatalo samin.”

Naisip din nila na baka kagat-kagatin sila ng mga tao o ng mga duwende o ng mga tikblang at baka maimpeksyon, at ayaw nilang ng dahil doon ay mamamatay sila kaya idinagdag nila na kahit ngipin ay hindi makakagasgas sa kanila.

Nang sumigaw si Luna na luluwas na sila papunta sa Unanglupa ay may liwanag na bumalot sa boong Dakoparoon. At mula sa itaas ay may isang anyong tao ang bumaba.

“Lou at Luna, wag muna kayong pumunta sa Unanglupa at hindi pa handa ang mga tao at mga duwende at mga tikbalang dahil ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw samantalang kung matulin, kung matinik ay malalim .”

At sumagot si Luna kay Manli:

“Manli, ha ha ha ha ha ha
Di ko maunawaan  iyong salita
Kayat sa aking harapan lumayas na
Baka pa ikay mapasama.”

“Hindi porket ikaw ang lumikha
Sa utos mo kamiy tatalima
Ha ha ha, ha ha ha
Ikay baliw na ata!”

Sumagot naman si Manli ng ganito, “Aba, sumasagot na ang aking manula, wag mo akong subukan baga kasama ka sa gayak, di kasama sa lakad.”

Eto ang sabi ni Luna, si Lou e nasa gilid lang na tumitingin tingin:

“O Manling naninirahan sa Kalan
Kahit gaano ka makapangyarihan
Sa akin walang binabat yan
Alam mo bang handa na aking kawan?”

“Inuulit ko ang aking sinabi Lou, pagsakop ay ipagpaliban, dahil sinasabi ko sa iyo, ikaw o kahit sinumang nilalang, kayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran, pero ako parin ang pintor.”

At sumigaw nga si Luna na humanda sa pakikidigma sa pagsakop sa Unanglupa. At naghanda na ang kanilang kawan. At nang akmang tatalikod na si Luna, nagsalita si Manli, “Luna, dahil nagpupumilit ka, sagutin mo ang aking bugtong, dahil kung di mo masasagot, di ka makakasama.”

Tumawa lang si Luna sa sinabi ni Manli.

Sabi ni Manli, “Bugtong, bugtong mahaba ang buntot, mabalahibo ang katawan at magaling umakyat.”

Tumahimik si Luna at inisip kung ano iyon pero sadyang wala syang maisip kayat tumawa lang siya ng matatalim na halakhak, halakhak na nangungutya.

“Manli dakilang manliliha
Kung gusto ko wala kang magagawa
Kayat ngayon din ay lumayas ka na
Bago mga kamay koy kantiin ka.”

At si Manli nga ay dahan dahang nawala sa kanyang harapan. Tumawa si Luna ng malakas, tanda ng kanyang tagumpay, at habang syay naglalakad, biglang may tumubong buntot sa kanyang likuran.  Siyay napayuko at di na maiunat ang likod, ang mga kamay ay tinubuan ng mga balahibo. Syay natakot at nagulantang sa mga nangyayari at kanyang sinabi:

“Ano baga itong nangyayari
Mga buhok sa aking mga daliri
Craaaa craaa craaaaaaa…..”

At tanging craaaa craaaa nalang ang lumabas sa bibig ni Luna . Pilitin man niyang magsalita ay di lumalabas ang kanyang boses. At ito nga ang alamat ng unang unggoy.[2]

Ikalawang Baghagi

Gulong gulo ang isip ni Lou sa nangyari. Wala na ngayon ang kanyang kanang kamay na si Luna. Gusto man niyang sakupin ang Unanglupa, natatakot naman syang baka matulad kay Luna na ginawang unggoy ni Manli. Kung kayat, nagkulong sya sa kanyang silid.[3]

Ilang araw din syang aburido. Sigaw sya dito, sigaw sya doon kung kayat lalong natatakot ang kanyang mga alagad sa kanya. Kapag nakakasalubong sya ng kanyang mga alagad e yumuyukod nalang ang mga ito dahil takot silang masinghalan nito, o mabalingan ng init ng kanyang ulo.

Isang gabi, habang natutulog si Lou, may kumatok sa kanyang pinto.[4] At kahit galit siya binuksan parin niya ang pinto at sinabi ng kanyang mga alagad na may nahukay silang isang lalagyan ng gamit, o cabinet in short. Ipinapasok ni Lou ang cabinet at ipinalagay sa gilid.

Matamang tinititigan ni Lou ang cabinet. Antigo ang itsura nito, pwedeng isanla sa bumbay. Habang tinitingnan niya ito, sa kuryosidad, nilapitan niya ito at hinawakan ang hawakan. Medyo kinakalawang na ang bakal nito. Binitawan ni Lou ang hawakan at bumalik sa kanyang higaan at natulog na. (He, he, he, parang may mangyayaring ano, eh no.)

Habang syay natutulog syay gumalaw. Tas tulog ulit tas gumalaw ulit, ganon ng ganon ang nangyari hanggang kinaumagahan. Pagsapit ulit ng gabi, natulog nanaman si Lou. Kinaumagahan, nilapitan niya ang cabinet at binuksan, di na kinakalawang yung hawakan kase pinaalis nya na yung kalawang.

Walang mga damit sa loob ng cabinet at pumasok si Lou sa loob. Nagitla nalang sya nang makita nya ang kanyang paligid na madaming yelo.

“Ano ito?
Asan ako?
Buhay pa ba ako?
O kaluluwa na ako?”

Madaming tanong sa kanyang isipan at hindi niya napansin ang paparating na karuahe. Tumigil ang karuahe at bumaba doon ang isang magandang babae na kulay puti na may hawak na baston.

“Lou, ikaw ba yan?” tanong ng magandang puting babae.

“Dilag sa aking harapan
Parang bituin ang kariktan
Sino kat, di ko maintindihan,
Anong lugar aking napuntahan.”

At sumagot ang magandang putting babae. “Lou, ano ka ba, ako ito si Wayt Witch! Andito ka ngayon sa Nana. Bakit nga ba?”

At ipinaliwanag nga ni Lou na pumasok sya sa lagayan ng damit at bigla nalang syang napunta sa Nana. Naikuwento din ni Lou ang nangyari sa kanyang pagsakop at sa kanyang mga kasama, pati narin ang tungkol kay Luna.

Oo nga pala, si Wayt Witch ay kaibigan ni Lou. Hindi siya isang Manula, pero isa syang mangkukulam. Isang magandang mangkukulam. Siyay kabaliktaran ng mga nakakasuka at mga pangit na mangkukulam na nakikita nyo o napapanood nyo. Ang ganda nyay sabi nga ni Lou e parang sa bituwin na kumikinang, maputi kasi siya.

Walang makapagsabi kung paano nagkaroon ng mga mangkukulam, tanging si Manli lang ang nakakaalam, kayat maging ako na gumawa ng kuwentong ito ay di din talos kung anong kanilang pinagmulan.

At ganon na nga, naikuwento din ni Wayt Witch ang tungkol sa pagsakop nya sa Nana. Siya ngayon ang reyna.

Inimbitahan niya si Lou sa kanyang palasyo at doon ay nagkuwentuhan sila. Sabi ni Wayt Witch, “Alam mo Lou, may maitutulong ako sa iyo sa iyong pagsakop sa mga tao at mga duwende. May ibibigay ako sa iyong makapangyarihang bagay. Na kung sino man ang magsuot nito ay laging nagtatagumpay.”

At tinanong ni Lou kung anong kapalit. Sabi ni Wayt Witch na sya ang magiging reyna sa lupain din ng Unanglupa. Pero sabi ni Lou na hindi pwede, dahil alam ni Lou ang tungkol sa propesiya na mula sa mundo ng tao ay may apat na tao, dalawang babae at dalawang lalaki, ang mapupunta sa Nana at tatapusin ang pagrereyna ni Wayt Witch, sa tulong din ng hari ng Nana na isang leyon. At dahil alam ni Lou iyon, alam nyang gusto ni Wayt Witch na masakop nya ang mga tao nang sa gayon ay di na dumating ang panahong sinabi sa propesiya.

At mula sa kanyang mga alahas at mga makapangyarihang kagamitan, ay inilabas ni Wayt Witch ang isang singsing. “Ito ang May Presyo,” wika nyang pabulong at hinalikan ang singsing. “Makapangyarihang May Preso,” bulong niya ulit.

Iniabot ni Lou ang kanyang kamay para kunin ang singsing pero inilayo ito ni Wayt Witch at muling ibinulong, “May Presyohhhh!!!”

Nagdadalawang isip si Wayt Witch kung ibibigay nga nya ang May Presyo o hinde. Pero ibinigay parin nya kinahulihan. At nang tinitingnan ni Lou ang singsing, parang may bumulong sa kanya na isuot nya ito, at isinuot nga nya, at kanyang binanggit, “May Presyoh!”

Ikatlong Bahagi

Malayo palang ang mga kampon ni Lou ay mauulinigan na ang tunog ng kanilang paglakad at ang tunog ng kanilang tambol. Dumadagundong iyon, at nagdulot ng takot sa dibdib ng mga tao, duwende at mga kabayong tao.

Dali daling nagpadala ng sulat si Haring Tangkad sa mga duwende at mga tikbalang. Eto ang kopya ng sulat ni Haring Tangkad sa dalawang lupain, naka CC (carbon copy) kasi ako noon e kaya may kopya ako:

Kagalang galang na Inang Reyna ng mga duwende

At kapita-pitagang Hari ng mga tikbalang,

Cc: MayAkda

Ikinalulungkot kong ipaalam sa inyo na ang puso koy nagdurugo at umiiyak sa kadahilanang hanggang sa panahong ito ay tila pangarap lamang na tayoy magkasundo pa muli. Pero sa panahong ganito, kung kelan ang ating pagkakaisa ay isang malaking bagay para sa ikabubuti nating lahat, alam kong alam nyo na na papunta na rito ang hukbo ni Lou para sakupin tayo. Inuulit ko, papunta na sila dito, dahil ang tunog ng kanilang mga tambuli at mga trupeta ay nagsisigawang parang mga palaka sa di kalayuan.

Sa mga ganitong oras, hinihiling kong ipagsawalang bahala muna natin ang samaan ng loob, kundi magkaisa tayo sa pagtatanggol sa ating lupain, ang Unanglupa.

Sana dinggin ninyo ang aking hiling.

Lumalagda,

Presidente Tangkad

Hindi nakalipas ang mahabang oras ay nakatanggap ng koreo si Presidente Tangkad mula sa mga duwende:

Presidente Tangkad,

Akoy nalulungkot sa mga nangyari satin, pero di ko parin malubos maiisip kung bakit di kayo sumunod sa kasunduan natin noon. At magkagayon nga, hindi ko, sampu ng buong kaduwendehan ay di naming tinatanggap ang iyong alok na pakikiisa sa inyo. Marunong naman kaming makipaglaban at may mga intel reports kami tungkol sa pagsalakay kaya wag kang mag-alala tungkol samin. Isipin mo nalang ang iyong sangkatauhan.

Sya na wa.

Reynang maganda,

Inang Reyna

At dumating din ang sulat ng mga kabayo (tikbalang):

Presidente Tangkad,

Ibalik nyo ang kinatay nyong tikbalang at sasama kami sa inyo.

Haring Hayoptao

At malungkot ang puso ni Haring Tangkad nang tiklupin niya ang mga sulat.[5]

Ikalimang Bahagi

At nagsimula nga ang hidwaan sa pagitan ng kampon ni Lou at sa mga naninirahan sa Unanglupa. Umabot iyon ng ilang linggo. At ilang linggo pa ulit. Pero dahil hiwahiwalay ang tatlong grupo, ang grupo ng mga tao, tikbalang at mga duwende, ay kinalaunan ay unti-unting natalo ang mga nakatira sa Unanglupa.

Lahat ng nakakasagupa ni Lou ay pawang kung hindi namamatay ay nasa gilid lang na lapnos ang kamay, paa at mukha. Ang istratehiyang sa tingin nila na epektibo kay Lou, ang pag-umpog ng ulo ay hindi umepekto, bagkos, ang kanilang mukha ay nasunog. Tawa lang ng tawa si Lou sa itsura ng mga nasunog ang mukha.

Gumawa ulit ng paraan ang mga duwende, military tactics sa Ingles, pero sadyang masyadong marami ang mga kampon ni Lou kung kayat hindi nagtagal ay isa isa na silang nagtakbuhan. Maging si Inang Reyna ay nagmamadaling tumakbo. Ilang beses pa nga siyang nadapa pero sige parin siya sa pag-ayuda. Kaw ba naman ang alam mo nang papatayin ka kung di ka pa tatakbo. Pero naabutan siya ng mga kampon ni Lou at ginawang bihag.

Sabi ni Lou sa kanyang mga alagad:

“Habulin ang mga nangagsitakbo!
Kung di sila susuko,
Pugutin ang kanilang ulo!”

“Kung silay susuko,
Gawin nyong alipin ko
Gawing katawa tawa sa harap ko!”

Ang mga tao naman ay sadyang matapang din naman. Pero nang makitang si Haring Tangkad ay naputolan ng paa at di na ganoon ka tangkad ay lumamlam ang kanilang lakas. Makikita ang takot sa kanilang mukha. Inilabas nila ang kanilang mga pera at kanilang sinabi sa mga tyanak, aswang at mga kapre, “Kung kami’y palalayain nyo, bibigyan naming kayo ng salapi.”

Sadyang ang mga kampon ng kadiliman ay hindi ganoon katalino at kanilang sinabi, “Salapi?” dahil ang akala nila ay singkwenta sentimos lamang ang salapi, “Aanhin naming ang salapi? Hindi pa nga nakakabili ng kahit isang kendi. Tanungin nyo kaya si Aling Glorie kung magkano binigay nya kay Hello Garcie.”

At tinaasan nga ng mga tao ang kanilang suhol. Kinuha ng mga aswang, tyanak at kapre ang mga pera at pinatakbo nila ng mabilis ang mga tao. Dali-dali namang tumakbo ang mga tao palayo. Pero hinabol parin sila ng mga demonyo at ginawang bihag.

At sa lugar naman ngmga tikbalang ay halos mapatid na angkanilang lakas sa pakikipaglaban. Palibhasa silay may lakas ng kabayo, kung kayat napapantayan nila ang mga demonyo. Pero dumating din ang oras na dahil sa dami ng mga kampon ni Lou ay naubusan din sila ng lakas, kung kayat nakipagkasunduan nalang sila sa mga ito na tutulong sila sa pagsakop sa kanilang lupain.[6]

Ilang oras pa nga ang lumipas at natalo na lahat ng mga nakatira sa Unanglupa. Ginawang  alipin ni Lou lahat ng mga tao at duwende at siya ang namuno sa Unanglupa. Ginawa niya itong kaharian. Dumilim ang kalangitan. Ang dating malinaw na tubig sa mga batis ay naging mga dugo. Ang dating sariwang hangin ay umitim. Ang lupaing datiy buhay na buhay ay tanging kamatayan lamang ang dala.

Doon nga naghari si Lou. Muli, kanyang tinitigan ang singsing at kanyang ibinulong, “May Presyooohhhh.”


[1] Ang sabi po ng iba ay pag lamang lupa, itoy mga engkanto, pero mali po iyon dahil ang ibig sabihin ng lamang lupa ay mga nabubuhay sa lupa. Katulad lang din po yan ng lamang tubig at lamang hangin kung meron man. Ha ha ha.

[2] Kaya kayo, kung naniniwala kayo sa ebolusyon (macro), kayoy magsaya dahil ito ang pinaka pinagkakatiwalaang paliwanag sa macro evolution. Kaya kung tatanungin ng guro nyo sa biology kung naniniwala kayo na galing kayo sa unggoy, sabihin nyong oo, at sabihin nyo din na ang ninuno nyo ay si Lunatiko. Iisang pamilya.

[3] Oo, may silid din sya. Sarili din nya yun para may privacy.

[4] Oo, may pintuan din ang kanyang silid.

[5] Naimbento na nila ang papel noon at tinta kayat natitiklop na ang sulat.

[6] Ganun talaga ang buhay, kung sino ang mas makapangyarihan dun ka, para safe, diba? Ito din ang simula kung bakit pati ang mga tikbalang sa ngayon ay kampon na din ng kadiliman.

Chapter 7: Click here

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s