Makabagbag Damdaming Sulat

Posted: March 9, 2011 in Uncategorized

You might be wondering how to present your report card to your parents without them scolding you or giving you lengthy advice. I was surfing the net when I stumbled over this letter. This could be a good way of showing them your card.  Aside from the title, walang makabagbag damdamin dito sa sulat.

Daddy,

Ipagpaumanhin nyo ni Mommy ang pagsulat ko sa inyo para ipaalam na akoy aalis na sa inyong poder. Ako’y sasama na sa aking bagong boyfriend na si Mark dahil gusto kong takasan na kayo ni Mommy. Natagpuan ko na kay Mark and tunay na pagmamahal at napakabait nya sa akin, napaka malambing nya hindi tulad ng iba kong naging boyfriend. Alam ko na pag nakilala nyo sya ay magugustuhan nyo din siya, lalo na ang kanyang mga hikaw, tattoo nya sa lahat ng parte ng kanyang katawan at ang pang motorsiklo nyang damit.

Hindi lang sa pagkakaiba nya Dad kaya ko sya mahal na mahal, eto ay dahil sa buntis ako at sabi ni Mark na gusto nyang magkaanak sya sa akin para lalo kaming sumaya sa aming pagsasama. Kahit na matanda sya sa akin (42 na sya Dad, di pa naman matanda sa ngayon and edad nya diba?) kahit na wala syang pera, di naman eto hadlang sa aming relasyon, hindi ba Dad? Syanga pala Dad, maraming CD collection si Mark, meron din syang trailer na truck na kung saan doon kami magsasama, pinaka bahay na namin ang trailer, at marami na rin syang stock na panggatong para magamit namin sa buong buwan ng taglamig. Totoo na meron pa syang ibang girlfriend pero alam ko na magiging tapat sya sa akin sa kanyang sariling pamamaraan, sa katunayan gusto nyang marami kaming anak at eto ang isa sa aking ambisyon. Tinuruan na nga pala nya akong humithit ng marijuana at masarap ang pakiramdam, sa katunayan nagtanim na sya para ipagpalit sa aming mga kaibigan ng shabu, ecstasy na gusto namin.

Dad, sana ipagdasal mo na matuklasan na ang gamot sa AIDS para gumaling na si Mark, kasi deserving naman sya na gumaling!! Huwag kang mag alala Dad 15 years old na ako at alam ko na kung paano pangalagaan ang aking sarili.

Makikita mo Dad, ipagmamalaki mo rin ako at balang araw bibisita kami sa inyo para naman makilala mo ang iyong mga apo.

Nagmamahal mong anak,

Clarence

PS: Dad, hindi totoo mga sinabi ko sa sulat. Nandito lang ako sa kapitbahay, pinapaalala ko lang sa iyo na mas marami pang dapat ikatakot sa buhay kesa aking report card na nasa drawer. Pakipirmahan na lang po at tawagan ako kung safe na akong umuwi dyan sa bahay.

I love you

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s