Part 1

Posted: March 9, 2011 in A Night Lover
Tags: , , ,

A Night Lover
by Samwel

Chapter 1.

Maliwanag ang buwan. Para itong hari na matayog na nakatayo sa kalangitan dahil ang mga ulap ay tila ilag na tabingan ito. Ang liwanag na dala nito, bagamat kadalasang tinatawag na romantiko para sa dalawang nag-iibigan na nakatingin dito, ay kabaliktaran naman para sa mga naninirahan sa isang liblib na pook sa isang probinsya sa Pilipinas, sa San Agustin. Ang liwanag na dala nito ay nagbabadya ng isang panganib. Isang panganib para sa lahat ng mga naninirahan sa San Agustin.

Ang liwanag na tumatanglaw sa baryo San Agustin ay sinasabayan ng alulong ng mga aso na nagbigay pa lalo ng takot at kilabot sa lahat ng naninirahan dito. Ang mga ilaw sa bawat bahay ay nakasindi at lumulusot ang liwanag palabas ng mga bahay mula sa mga siwang ng mga bintana at mga pinto. May mga nakasabit na anik-anik sa bawat pinto at bintana, karamihan ay mga bawang na isinabit na parang sa isang Christmas tree. Ayon sa kasabihan at sa makalumang paniniwala, ang mga iyon daw ay malakas na proteksyon laban sa mga nilalang ng dilim. Hindi mo man makita ang loob ng bahay, mararamdaman mong gising ang mga mato sa loob.

Sa kabila ng takot na bumabalot sa mga naninirahan dito, may isang babaeng humahangos pauwi sa kanilang bahay. Gulong-gulo na ang kanyang buhok at halos ang iba’y nasa kanyang mukha. Tagaktak ang kanyang pawis at sumasakit na ang kanyang paa sa paglakad-takbo. Hapit na hapit pa mandin ang kanyang suot na pantalon kung kayat nahihirapan siya sa kanyang paggalaw. Her moves were encumbered by her fit dress.

Kanina pa siya sinasagilahan ng takot. Nakatayo na nga ang kanyang mga balahibo at naririnig niya ang pagpintig ng kanyang puso. Mabilis iyon. Sising-sisi siya kung bakit pa kasi siya sumama sa kanyang kaibigan na nasa kabilang baryo sa pamamasyal at inabot pa sya ng dilim. Alam nyang delikado ang maglakad sa gabi sa kanilang baryo. Pero wala na syang magagawa dahil nandoon na sya.

Palingon-lingon si Erika sa kanyang likod. Pakiramdam kasi niya ay may mga matang nakatingin sa kanya. Pero kapag tumitingin siya sa kanyang likod, wala namang tao. “Oh my God!” bigkas niya, “Help me Lord!” Malayo-layo pa sya sa kabahayan.

Biglang umalulong ang isang aso sa di kalayuan. Mas lalo syang nakaramdam ng takot kung kayat lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Di na nya iniinda ang sakit ng kanyang paa na nararamdaman. “Shit!” sabi niya nang muntik syang madapa sa pagmamadali. “Lord, protect me! Hindi na po ako uulit. Please!”
——–
Sa San Agustin, kalat na kalat na ang kuwento tungkol sa bampirang nananalasa sa kanilang barangay. Ayon sa mga nakakita sa mga pangyayari, isang lalaki daw ang bampira. Sinisipsip nito ang dugo ng kanyang biktima hanggang maubusan ito ng dugo. Kapag dakay nag-aanyong paniki at lumilipad palayo. Dahil sa mga kwentong lagim, palubog palang ang araw sa kanilang barangay ay wala ka nang makikitang taong pagala-gala doon, dahil tiyak, ito ang susunod na mabibiktima. Parang deserted place nga ang lugar nila sa gabi.

Di naman ito pinaniniwalaan ni Erika. Sabi nga nya, kahit makaluma ang lugar nila, nasa makabagong kabihasnan na daw ang panahon. Hindi na uso ang mga bampi-bampira… computer ang uso ngayon. Pero nang gabing iyon, tila nawala ang paniniwalang iyon ni Erika. Bagkus, sumisiksik sa isip nya ang tungkol sa bampirang sumisipsip ng dugo. “Ayaw ko pang mamatay Lord. Halos di pa nga ako nahalikan. Gusto kong magasawa at magkaroon ng anak.” Patuloy sya sa pag-iisip ng kung ano-ano para mapawi ang takot na bumabalot sa kanyang pagkatao.

Aaaaaawwwwwwwoooooooooooooo! Mula sa kung saan ay narinig nanaman ni Erika ang alulong ng aso. Mas lalong umigting ang takot sa kanyang puso. Mas lalo pa siyang natakot ng may marinig siyang kaluskos sa kanyang likuran. Ayaw nyang lumingon dahil natatakot siya. Nagsign of the cross siya.

Ilang beses na ba syang nanalangin. Ahh, maraming beses na. Di na nya maalala kung ano ang kanyang mga binigkas na salita. “Dios ko, ilayo mo po ako sa kapahamakan,” ulit uli nya.

Nang mawala ang kaluskos sa kanyang likod ay lumingon siya dito. Walang tao! sigaw ng isip nya. “Our Father who art in heaven,hollowed be Thy name,” ang malakas niyang dasal. “Your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven…”

Naiiyak na sya sa takot at pangamba ng napansin niya ang isang anino na sumusunod sa kanya. Mas lalo pa niyang linakasan ang kanyang dasal. “Do not lead us to temptations but deliver us from evil, Amen. Hail Mary full of grace the Lord is with you…”

Lumingon ulit siya sa kanyang likod at nakita niya ang isang lalaking nakasunod sa kanya. Medyo long hair dahil lampas tainga ang buhok nito. Matangos ang ilong at normal lang ang laki ng mata. Sa liwanag ng buwan, makikitang red lips ito kung di man red lips, di din masasabing maputla ang labi. Maputi ang lalaki o mas tamang sabihing medyo maputla ang kulay na maputi with broad shoulders. Sa suot nitong t-shirt na pula ay mapapansing malaki ang katawan. Nakasuot ng black jeans.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ni Erika. Napagkit ang tingin nya sa mata ng lalaki. Nararamdaman niya ang takot nya pero di niya mapigilan ang kanyang sarili na titigan ito. Parang nang-aakit ang mata ng lalaki, para syang hinihigop nito.

Tinitingnan nya lang ang lalaki habang palapit ito sa kanya. Bilis! Tumakbo ka na! Sigaw ng kanyang isip, pero para siyang tuod sa kanyang kinatatayuan. Nakaawang pa ang kanyang labi na tila bang hinihintay nyang halikan sya ng estranghero na palapit sa kanya.

Nasa harapan na nya ang lalaki. Di siya kumikilos. Titig na titig sya dito. Di mapuknat ang kanilang titigan hanggang dahan dahang bumaba ang mukha ng lalaki sa kanyang leeg. Dinilaan iyon. Di parin gumagalaw si Erika. Bigla syang nakaramdam nang kakaibang pakiramdam. Di nya maipaliwanag. Parang tuwa na may excitement na parang ewan. Biglang bumagal ang pintig ng kanyang puso na parang sinasabing, you’re safe.

Lumipat ang bibig ng lalaki sa kanyang mga labi. Lumapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Ipinikit nya na ang kanyang mga mata.

Part 2: Click here

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s