Part 2

Posted: March 9, 2011 in A Night Lover
Tags: ,

A Night Lover
by Samwel

“Erika! Erika!”

Mula sa pagkakapikit ni Erika ay nagmulat sya ng kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang ama at ina sa kanyang harapan. Di man niya igala ang kanyang mata, alam nyang nasa harapan siya ng kanilang bahay. Nasa may pintuan sya ng kanilang bahay. Ang bahay nila ay gawa sa buho at kahoy. Ang bubong ay gawa sa yero. Kumbaga e makaluma parin ang paraan ng pamumuhay nila. Di naman iyon maikakaila dahil wala pang kuryente sa kanilang barangay. Kaya nga kung may pagkakataon, sumasama sya sa kanyang kaibigan sa pamamasyal sa kabilang bayan.

Nakita nyang nag-sign of the cross ang kanyang ina. “Ikaw bata ka, kanina pa kami nag-aalala sa iyo. Hahanapin ka na nga namin e. San ka ba nagpupunta hah, bata ka!”

Hinila na sya papasok ng kanyang ama. Lumingon sya sa kanyang likod at hinanap ang lalaki na nakita niya kanina. Di nya maalala ang nangyari. Ang huling naalala nya ay nang halikan sya ng lalaki. nag-init ang kanyang pisngi.

“Ano bang nangyari sa iyo at ngayon ka lang umuwi hah bata ka?” usisa ng kanyang ina. “Hindi mo ba alam na napakadelikado ngayon. Alam mo namang may gumagala dito sa gabi.”

Hindi rumihistro ang mga tanong ng kanyang ina sa kanyang isip. Iniisip parin niya ang lalaki. “Nay, wala ba kayong napansing kasama ko nung dumating ako?”

“Anong kasama ang pinagsasabi mo? Narinig lang namin ang mga katok sa pinto at nang buksan namin e andun ka. May kasama ka bang umuwi?”

“A, e, meron po inay, sya po naghatid sakin dito, tiga kabilang bayan po sya,” pagsisinungaling nya.

“Sana naman walang mangyari sa kasama mo,” sabi ng kanyang ina. “Alam mo namang delikado na pag gabi dito. Sana wag mo naman kaming pinag-aalala ng ganito.”

“Pasensya na po inay. Di na mauulit.”

Di parin maalis-alis sa kanyang isip ang lalaki. Sigurado syang hindi tiga sa kanila ang lalaki dahil halos kilala nya na lahat ng mga tao sa kanilang lugar. Wala sa kanyang isip na hinawakan niya ang kanyang labi. “Oh my God!” sigaw nya sa kanyang isip, “Ano bang nangyayari sakin!”

Tinakbo nya agad ang salamin sa kanilang sala. Kinakabahang tiningnan niya ang kanyang leeg. Wala syang makitang kagat. Wala ring kahit na pasa man lang.
———–

Mula sa isang punong malapit sa bahay nila Erika, may dalawang matang nakatanglaw sa kanila habang kausap ng kanyang mga magulang si Erika. Nakita nya nang hilahin ng kanyang ama si Erika papasok sa kanilang bahay at ang paglingon ni Erika sa likuran hanggang isara nila ang pintuan.

Nakatingin lamang siya sa bahay na iyon na waring pinipilit aninagin ang mga tao sa loob ng barong-barong na iyon. Kapag dakay tumingala ito sa kalangitan. Mataimtim na tiningnan ang buwan. Napakaganda ng buwan. Napakaliwanag. Kaakit akit pagmasdan na parang isang dalagang marikit.

Sa pagtitig nya sa buwan, bumukal ang mga luha sa kanyang mga mata. The tears rolled down his cheeks until they were extinguished; they evaporated and there was not a trail of it.

Nakatingala lang sya sa buwan. Para niyang kinakausap ito. Bumigkas sya ng mga salitang di maintindihan. At di nagtagal ay kinuyom nya ang kanyang mga palad. Bumagsik ang kanyang mga mata. Lumingon lingon sya sa kanyang paligid saka tuluyang umalis sa lugar na iyon kasabay ng pag-alulong ulit ng mga aso.

———-

Ilang araw nang di nakikita ni Erika ang lalaking nakita nya noong naglalakad siyang pauwi. Lagi syang tulala at nag-iisip. Nakatingin sa malayo. Pilit nyang inaalala ang mukha ng lalaki saka siya biglang ngingiti. Shit! Ano ba ito?” bigkas nya sa kanyang sarili. “Ano bang nangyayari sakin.”

Nagulat si Erika ng may tumikhim sa kanyang likod. Ang pinsan nyang si Mico.

“Bat ka nanaman tulala dyan?” tanong nito sa maarteng tono. “Iniisip mo nanaman yung lalaking kinuwento mo?”

Di sumagot si Erika.

“Hay naku pinsan, wag mo na ngang isipin yun. Muta mo lang yon noon. Gabing-gabi tas may maghahatid sayo. Alam mo namang delikado dito sa gabi at wala nang gumagala sa gabi, kaya gising na. Kalimutan mo na yang iniilusyon mong yan.”

“Heh! Tumigil ka nga dyan Mico!” singhal nya dito. “Sigurado ako na may naghatid sakin….”

Tumaas ang kilay ni Mico at sinabing, “Mica ang panglan ko, hindi Mico. Call me Mica, okay, at kung hindi mo ako tatawaging Mica, I wont talk to you anymore, any longer, anyday, anywhere, forever!” Mahaba nitong litanya.

“Oo na, Mica na kung Mica…” sagot nya.

“At teka, hinalikan ka ba kamo ng nanghatid sa iyo?” putol ng kanyang pinsan sa iba pa sana nyang sasabihin. “Alam mo bakla ka, lakas mo ding mag-imagine.” At tumawa ito.

Tahimik lang si Erika pero hindi nya maiwasang isipin kung totoo nga ba ang kanyang nakita o imahinasyon nya lamang iyon. Hinawakan niya ang kanyang mga labi pagdakay tumayo na sya at nagpaalam sa pinsan.

Next Chapter: Upcoming

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s