Hinagpis ng isang Hindi Iniibig

Posted: April 16, 2011 in Poetry (emotional flush)
Tags: , ,

Nang unang araw na ako’y iyong masilayan
Naramdaman ko, gusto mo akong tadyakan
Ngunit nagtimpi ka, kunyaring wala lan’
Pero minu-minuto, akoy pinagdidiskitahan.

Ang puso koy natutunaw sa kalungkutan
Pagmamahal mo’y di man lang maramdaman
Umuusok lagi iyong bumbunan
Pilit mo akong itinataboy sa iyong isipan.

At sa paglipas nang panahon na tayoy magkasama
Kahit na simpleng ngiti man lamang sana ay wala
Naririnig ko ay mga masasakit na salita
Damdamin ko’y di mo manlang inaalintana.

Pag lumalabas tayo, ako’y iyong itinatago
Pag may nakakasalubong tayo, ikay yumuyuko
Ganon na nga ba ako kasama sa tingin mo?
Nasasaktan din ako!

Minsan ay ginagawa mo akong parang kuto
Ako’y tinitiris mo ng buong-buo
Pinapalabas mo pa aking dugo
Kasalanan ko bang ako’y ganito?

Sinubukan mo akong tanggalin sa iyong buhay
Sinubukan mong gumamit ng ano-anong bagay
Huwag magalala, di naman ako panghabang buhay
Isang araw mapapansin mo nalang, wala na ako sa yong buhay.

Kaya sa maikling panahon na tayoy magkasama
Maiparamdam mo man lang sana
Na kahit ang isang tulad koy mahalaga
Nang hindi panay hinagpis aking nadarama.

>

>

>

>

Nagmamahal,

Tagyawat

😀

Comments
  1. lalabear says:

    maganda sia . pede lagay ko yan sa facebook sa note ko? jejeje

  2. Ahmad Radzi says:

    wehehehe…. galing aman ka sam wel…..

  3. lalabear says:

    i have something for you . http://www.euice.tumblr.com search mo yan para sakin jejeje

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s