Ang Pulubi Bow

Posted: April 4, 2012 in Poetry (emotional flush)
Tags: , , ,

Ang Pulubi, Bow

Ako ay tumingin sa iyo
Mata ko’y nagsusumano
Nakataas isang kamay ko
Binibigkas, “Ma, limos po.”

Isip ko’y lumipad
At sa kung saan-saan napadpad;
Pagkat itsurang mo’y mabait
Mukhang mapaglang labis.

Nang ikay tumingin sakin
Mga matay parang sa lawin
Gusto akong dagitin
Gamit mga kukong matatalim.

Ako ay napahiya
Ikaw ay nagmura,
“’Tang ina mo,
Magbanat ka ng buto.”

Ako ay yumuko
Iniwas ang paningin ko
Ibinaba ang kamay ko
At binigkas, “Sorry po.”

Akoy tumayo mula sa aking pwesto
Umiika-ikang umalis, dala ang lata ko;
Mga luhay dumadaloy sa puso ko
Dahil sa mga masasakit na salitang pinakawalan mo.

“Ano nga bang alam mo sakin,
Piniling malugmok sa lugar na madilim?
Pinilit kong magtrabaho, ngunit itoy ipinagkakait sakin,
Dahil sa twing makikita ako, bigla silang iiling.

Sana lang huwag akong husgahan
Dahil may damdamin din akong nasasaktan
Akoy din ay isang nilalang
Tulad ninyong taong isinilang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s