Dota O Gelpren

Posted: April 4, 2012 in Uncategorized
Tags:
Dota O Gelpren?


Si DOTA nag iisa lang sa mundo, si GF napakarami nyan
Si GF iiwanan ka din nyan, si DOTA Hindi
Si GF nagagalit kapag nagdoDOTA ka, si DOTA hindi nagagalit kapag nag GF ka
Si DOTA 20 pesos lang masaya na, si GF baka 200 pesos baka di pa masaya
Pagnakakita ka ng ibang hero, di nagagalit si DOTA
Pero pag nakakita ka ng ibang babae, nagagalit si GF
Si GF kapag iniwan mo mahirap kang balikan, si DOTA kapag iniwan mohanda ka pa ring tanggapin

Ano mas gusto mo? Dota o GF?

Ang mga liriko sa itaas ay halaw sa kantang “Dota O Ako”. Napapaisip ako tuwing naririnig ko ang kantang iyan. Sino nga ba ang mas mahalaga DOTA o gelpren?

Actually di naman ako mahilig sa DOTA aka Defense of the Ancient. Ang madalas ko lang nilalaro sa Garena ay ang League of Legends o LOL. Parang DOTA din ito. Mamimili ka ng hero mo na gagamitin mo sa laro, pwede yung pangmalayuan kung tumira o pangmalapitan. Bibihisan mo ito ng mga gamit – pampabilis tumira o gumalaw, pandagdag ng lakas pag tumitira o armor. Tatlong lane din ito na may mga tore na may laser na pag nilapitan mo ileleser ka hanggang mamatay ka. Kaya kelangang maging maingat. Dapat lagi mo kasabay mga creeps, aka mga alagad.

Para din itong sa DOTA, ang objectibo nito ay unahan sa pagsira ng base. Kung nauna sila, sila ang panalo, kung nauna kayo, kayo ang panalo.

Ilang beses na din kaming nagaway ng gelpren ko dahil sa paglalaro ko. Ang ayaw nya kase sa lahat e yung naghihintay daw sya. Pero syempre, dahil nasa kalagitnaan ng laro di ko pwedeng iwan ang laro. Tinatanong nya ako, “Sino ba mas mahalaga, ako o ang paglalaro mo?” Syempre, kahit di sabihin, alam nyang sya ang sagot pero bakit kelangan pang itanong?

Para sa mga babae, dapat intindihin nyo na ang paglalaro ay parang parte na rin ng buhay namin. Kumbaga parang paliligo ito. Pwede din naman kaming di maligo, pero diba mas maayos kung mabango ta nakapaligo? Ganun din sa paglalaro, mas masaya pag nakapaglaro kami.

Hindi mas mahalaga ang laro kesa sa inyo – dapat simulat sapul alam nyo na yan. Di din namin kayo ipagpapalit sa laro, kaya dapat hindi na kayo nagtatanong. Dapat unawain nyo naman kami. Pag sinabi naming saglit lang tatapusin lang namin ang laro, hindi ibig sabihin noon na five minutes lang… hindi ba pwedeng ikonsidera na ang saglit lang e byente minutos? Wag naman kayong biglang nang-iiwan. Hayun tuloy, kahit ayaw naming iwan ang laro, iniiwan naming dahil sa ganyang pag-aasta nyo. Kayo nga kahit matagal kayo inaantay parin namin kayo… kahit ang sabi nyong saglit lang e halos trenta minutes na, pero bakit ang hirap nyong maghintay kung naglalaro kami?

Sa isang relasyon, heto nanaman ako, parang marunong naman daw maghandle ng relasyon, kelangan ng unawaan. Kung nag-uunawaan kayo siguradong tatagal ang relasyon. Pero kung hinde, sigurado ako, pagkatapos ng ilang buwan o taon, maghihiwalay din kayo.

Ngayong alam nyo na ito, at kung di man masabi ng mga boypren nyo ito sa inyo eto na, alam nyo na; nabasa nyo na at dapat alam nyo na rin ang gagawin nyo. Baka tulad ko din sila na di masabi ang mga ito sa inyo ng harapan dahil ayaw ng away, kaya eto hanggang sulat nalang muna ako. Support darling! We need support!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s