Kaibigan, Pag-ibig at iba pa – 2

Posted: July 6, 2012 in Kaibigan Pag-ibig at iba pa, Uncategorized
Tags:
Ikalawang Yugto
Ikalawang Yugto ng Simula ng Katapusan

“Tol, anong gusto mong miryenda?” tanong ni Letty kay Ronrix sa tonong pilit pinapalaki ang boses habang mataman nya itong tinititigan. Nakaupo sila sa harap ng isang lamesa sa kanilang school canteen. Kasama nila si Loid, isa din nilang kaibigan.

“Kumurap ka naman,” ang biglang sabi ni Loid kay Letty, “napaghahalata ka tuloy. Huwag mo namang ipahalata sakin.” Ang malamang sabi ni Loid na may kasamang pagtatampo sa boses nito.

“Huh!” Namumula mula si Letty. “Ano bang pinagsasabi mo? Umayos ka, makakatikim ka sakin,” ang pabiro pa nitong sabi matapos makabawi.

Ngumiti ng may kasamang lungkot si Loid. “Ako ba, di mo ba tatanungin kung anong miryenda ang gusto ko? Magtatampo na ako nyan.”

“Isa, isa lang pre, mahina ang kalaban,” ang sagot naman ni Letty. “Pagkatapos ko dito kay pareng Ronrix, ikaw naman susunod na tatanungin ko.”

Walang imik si Ronrix, malayo sa kanila ang kanyang isip.

“Tol?” tanong ulit ni Letty kasabay ng pag bundol nito sa siko nito.

“Huh?” ang naguguluhang tanong ni Ronrix. “Ano yun?”

“Sabi ko na nga ba at ang layo na ng narating mo. Sa France ba pre?” ang inis na sabi ni Letty.

“Pasensya na mga tol, may naiisip lang kasi ako,” paumanhin nito.

“Yung babaeng iyon nanaman ba ang iniisip mo?” ang iritadong tanong ni Letty na hindi na itinago ang inis sa tono.

“Ah, e, ano bang gusto nyong miryenda?” ang biglang pag-iiba ni Ronrix sa usapan. “Ikaw Letty? Ikaw tol Loid?”

“Sandwich at sofdrink lang sakin,” ang matamlay na sabi ni Loid.

“Ako na ang kukuha,” sabi ni Letty. “Ikaw Ronrix, ano ang gusto mo?” Bigla nanamang nanumbalik ang sigla sa tono ni Letty.

“Pareho ng kay Loid,” sagot ng binata.

“Sige, kuha na ako.”

“Samahan na kita,” ang pagprisinta ni Loid at kasabay nito ay ang pagtayo nito sa kanyang upuan. Wala ng nagawa si Letty nang mauna ng maglakad si Loid papunta sa kuhanan ng pagkain.

“Wow, dami mong binilang pagkain!” Puna ni Letty kay Erica ng makita nya ito sa counter na nagbabayad ng mga inorder na pagkain. Nasa likod nya si Loid dala ang mga kinuha nilang pagkain. Nakapila sila sa counter para magbayad. “Hindi ka diet nyan, hah.”

Tumingin lang si Erica kay Letty saka ngumiti ng matamis. “These are for my lovy dovy crushy love.”

“Si sir Cruz?” panghuhula ni Letty.

Ngumiti lang si Erica at pagkatapos magbayad ay lumabas na ng school canteen.

Pabalik na sina Letty at Loid sa kanilang mesa dala ang kanilang pagkain ng mapansin ng una na may isinuksok si Ronrix sa kanyang kuwaderno. Nagkunwari syang di nya iyon napansin. Pagkaupo, kunyari nyang binuklat ang kanyang kuwaderno at nakita nya ang isang note na sobrang nagpakabog at nagpasaya sa kanya. Hindi nya na napansin ang matamang pagtitig ni Loid sa kanya ng mapansin nito ang pakunwaring pagbuklat nya sa kanyang kuwaderno. Napansin din nito ang bigla nyang pamumula at biglang pag-iba ng kanyang reaksyon.

Ang nakasulat sa papel:

Leticia,I love you!From
Someone who cares

————-

itutuloy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s