Kaibigan, Pag-ibig at iba pa -3

Posted: July 6, 2012 in Kaibigan Pag-ibig at iba pa
Tags:
Ikatlong Yugto
Karugtong ng mga naunang yugto – hehehehe

“Walang hiya ka! Ang lakas ng loob mong dalhin pati dito sa bahay ang babae mo!” Ang mga katagang sumalubong kay Brix nang buksan nya ang pintuan ng kanilang bahay. Kung hindi pa nya napansin ang paparating na vase, siguradong dumudugo ang kanyang ulo sa oras na ito. Pero may nananalayatay atang dugo ng mga langaw sa kanyang katawan kayat mabilis syang nakailag; parang sa langaw, sa dami ba naman ng mga mata nila, paparating palang ang pamalo ay lumilipad na ang mga ito.

Mabilis na naglakad si Brix papunta kay Renova at hinawakan ito sa kanyang mga kamay. Nagsisigaw si Renova, hysterical, pilit pinapakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak ni Brix.
“Bitawan mo ako, hayup ka! Kung kalian ka tumanda saka ka lumandi. Mahiya ka sa sarili mo, nasa kolehyo na ang anak mo!”

“Tumigil ka!” Ang tiim bagang na sabi ni Brix at hinila si Renova papunta sa kanilang kuarto saka isinarado iyon. Si Aling Ester na matagal na nilang kasambahay sa kanilang bahay ay nakatunganga sa bilis ng mga pangyayari.

Binitiwan ni Brix ang namumula-mula ng kamay ni Renova dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak. Tinakbo ni Renova ang isang picture frame sa isang lamesa sa kanilang kuarto at inihagis iyon kay Brix. Sapul sa ilong. Napatigalgal si Renova ng makita ang pulang likido na umaagos sa ilong ni Brix. Gusto nyang lapitan ito ay gamutin pero nagpigil sya. Masama at masakit parin ang kanyang loob dahil sa pambabae nito.

Napatda si Brix. Di nya napansin ang picture frame na mabilis na lumipad at tumama sa kanyang mukha. Maging si Super Speed ata e di maiiwasan iyon. Napansin nya ang dugo ng hawakan nya ang kanyang mukha. “Kung hindi ka pa titigil, aalis ako,” ang pagtitimpi nyang sabi kay Renova. “Isa pa at iiwan kita.” Halata na galit na din si Brix.

Umupo si Renova sa kanilang higaan. Ang kanyang mga luha ay parang bukal na dumadaloy mula sa kanyang mga mata. Sa sulok ng kanyang mga mata, nakita nyang lumabas si Brix sa kanilang kuarto. Mas lalo tuloy syang humagulgol.

“Aling Ester, nakita nyo po ba si Imelda?” tanong ni Brix kay Aling Ester pagpasok nito sa loob ng bahay. Kagagaling nya sa labas at tiningnan sa kotse si Imelda.

“Naku bata ka, dumudugo ang ilong mo,” ang wika ni Aling Ester na hindi pinansin ang tanong ni Brix. “Saglit lang at kukunin ko yung bulak at panlinis ng sugat.” Dali-daling tumalikod si Aling Ester. Hahabulin sana ito ni Brix pero hinayaan nalang nya. Lumabas sya ulit ng bahay at hinanap si Imelda pero di nya ito Makita.

“Si Imelda ba yung babaeng nasa kotse mo kanina?” tanong ni Aling Ester habang ginagamot ang dumudugong ilong ni Brix. “Umalis na sya. Nang makita kayong nag-aaway ni ma’am kanina ay umalis na sya.”

Hindi na umimik si Brix. Inilabas nya ang kanyang telepono at nagpadalaa ng message kay Imelda.

“Umuwi na ba si Ronrix?” tanong nya kay Aling Ester makalipas ang ilang sandal.
“Hindi pa ser. Mamaya pa darating yun,” sagot ni Aling Ester.

Tumunog ang telepono ni Imelda. Nasa loob sya ng isang taxi. Tinignan nya ang kanyang telepono at nakitang may dalawa syang text message. Binasa nya ang nauna:

“Bak8 ka umalis? Sana inantay mo ako.” Galing iyon kay Brix. Pinindot nya ang reply at sinagot si Brix.

Bumalik sya sa menu at tiningnan ang isa pa nyang message:

“Xcited ka na ba mahal at makikila2 ang aking mga magulng? 2loy tayo sa bahay ma2yang hapon. Siguradong matu2wa sila pag nakila2 ka nila.”

Text naman yan galing kay Ronrix.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s