Kaibigan, Pag-ibig at iba pa – 4

Posted: July 6, 2012 in Kaibigan Pag-ibig at iba pa, Tagalog
Tags:
Ikaapat na Yugto
Karugtong ng Ikatlong Yugto – hehehe

“Gusto mo ng tsokolate Letty?” tanong ni Loid sa babae pagkatapos nilang maubos ang kanilang miryenda.

“Huh? Bakit? Bibilhan mo ba ako?”

“Kung gusto mo ba,” sagot ng lalaki.

“Sige ba.”

“Halika, samahan mo ako, bili tayo sa labas, wala kase silang tsokolate dito.” At hinawakan nya na sa kamay si Letty at hinila patayo. Wala ng nagawa si Letty kundi ang tumayo na din.

“Babalik kami, antayin mo kami dito,” pasigaw na sabi ni Letty bago tuluyang naglaho ang dalawa sa mga mata ni Brix.
—————————————–

“I’m sorry for being late,” hinging paumanhin ni Louis kay Marianne. Yumuko ito at hinalikan sa labi ang babae saka hinila ang upuan sa harap ng babae at umupo dito. “Anong sayo?” tanong ni Louis habang pinapasadahan ang mga nasa menu.

“Nakapag-order na ako, pati yung sayo, yung usual, ang paborito mo,” sagot ni Marianne.

“Alam na alam mo tagala ang paborito ko ah,” may lambing na sabi ni Louis.

Ngumiti lang si Marianne. Ilang buwan na din naman silang may relasyon ni Louis. Alam na din nya ang lahat tungkol sa lalaki – ang isang dahilan kung bakit sila magkaharap ngayon.

“Marianne, may gusto sana akong sabihin sa iyo. Pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin. Mahal kita, alam mo yan…”

“Oo Louis alam ko yan at naipakita mo sakin yan sa loob ng ating relasyon.”

Tumango-tango si Louis. Matamang tinitimbang kung dapat pa ba nyang ituloy ang gusto nyang ipagtapat.

“Alam mo Louis, kaya kita tinawag ngayon dito ay dahil may gusto akong sabihin sa iyo. Mahal kita, alam mo yan, pero ayaw kong…”

“Sir, Maam, here are your orders,” biglang singit ng waiter at isa isa niyang inilapag ang mga pagkain. “Anything more you need sir, maam?”

“None, thank you,” sagot ni Louis. At sinimulan na nilang kumain pagkaalis ng waiter.

“There’s something I’d like to talk about Marianne,” mga namutawi sa bibig ni Louis, “kase, kuan…”

“I think, this will be going our last meal together,” pabulong na sabi ni Marianne.

Bagamat mahina ang mga salitang lumabas sa mga bibig ni Marianne, dinig na dinig iyon ni Louis. Pilit niyang inaaninag ang mukha ng nakayukong si Marianne. Ngunit hindi sya umimik.

“I know you’ve got a family Louis…” garalgal ang boses ni Marianne. “And I can’t bear the thought of me destroying the family of the person I love.” Tuluyan ng pumatak ang mga luha ni Marianne. Tahimik lang si Louis. Ang matagal nya ng gustong sabihin kay Marianne, ang kanina nyang gustong sabihin kay Marianne, ngayon, ay nailabas na. Nagmula mismo sa labi ni Marianne. Napakahirap ng sitwasyon nya ngayon. “I do love you, but we really need to end this relationship,” wika ni Marianne.

Hinawakan ni Louis ang mga kamay ni Marianne, sinusubukang I comfort ito. Dinala nya ang mga kamay nito sa kanyang mga labi. Lumipat sya ng upuan sa tabi ni Marianne. Hinawakan ito sa mukha at hinalikan sa mga labi. Sinusukan nyang gawin ang lahat ng kaya nyang gawin para mabawasan ang sakit na nararamdaman ni Marianne. Oo ngat gusto nya na ding makipaghiwalay dahil gusto nyang ituon ang kanyang oras sa kanyang pamilya, pero ngayong anditona, ang hirap pala. Nararamdaman nya ang nararamdamang sakit ni Marianne.

“Dad?” mula sa likod ni Louis ay narinig nya ang familiar na tinig na iyon. Ang kanyang anak. Napatingin sya sa kanyang likod.

“Loid anak, a…a…a…i…” Napatingin din si Marianne. Ang bilis ng mga pangyayari, hindi sya nakaimik. Hindi nya alam kung anong dapat nyang gawin.

Tumalikod na si Loid sa kanyang ama at naglakad siya palabas ng kainang iyon.

“Wait son,” sabi ni Louis pero mabilis na tumakbo palabas si Loid.
“Sir, your ice cream order,” pahabol ng waiter kay Loid, pero hindi na nito ininda pa ang sinabi ng waiter. Mabilis niyang tinungo ang sasakyan kung saan nagaantay si Letty.

“Asan ang ice cream?” takang tanong ni Letty. Ngunit hindi umimik si Loid bagkos pinaandar niya ang sasakyan. “Anong nangyari, bat ka ganyan?”

“May dad has another girl, and I’ve seen them kissing in public,” may diin at galit at sama ng loob na bigkas ni Loid.

“Whaaat?” bigkas ni Letty pero hindi na sya umimik. Hinawakan nya sa likod si Loid at dahan dahan nyang hinaplos ang likod nito. Sa paghagod nya sa likuran nito, may nararamdaman syang kakaiba. Pilit nya itong isinasantabi. Kailangan ng kaibigan nya ng karamay ngayon, yan ang pilit nyang isinusuksok sa isip nya. Naawa sya sa kanyang kaibigan. Awang-awa sya. Nakikita nya sa mukha nito ang halo-halong emosyon.

“Like to drink with me?” biglang tanong ni Loid.

Hindi alam ni Letty kung ano ang isasagot nya. Oo ngat kaibigan nya si Loid pero may pasok pa sila. Natahimik sya.

“I’m sorry, I don’t have to drag you with my personal problems. Nevermind,” sabi ni Louis.

“No, I’ll company you,” sagot ni Letty.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s