Kaibigan, Pag-ibig, at Ibapa

Posted: July 6, 2012 in Kaibigan Pag-ibig at iba pa, Tagalog
Tags: , ,

————

Babala: Maaring magkakabuhol-buhol ang iyong isip sa pagbabasa sa akdang ito. Ipinapayo ko lang po na bago pa man dumating ang yugtong iyon, buhulin mo na ang isip mo.  Mas maaga, mas maganda. Hahahaha

————-

Unang Yugto:
Simula ng Katapusan

“Ang pamilya ang pinaka-basic unit na bumubuo sa isang komunidad. Ang pamilya din ang humuhubog sa bawat miyembro nito. Ang mabuting samahan ng pamilya ang siyang pundasyon sa matatag na samahan ng bawat kasapi nito.”

Yan ang mga salitang namutawi sa bibig ni Ginoong Cruz. Isang binatang Propesor sa isang sikat na Unibersidad. Marami ang mga nagkakandarapa sa kanya na mga kababaihan at mga kalalakihan – mga colleagues nya at mga kanyang mga istudyante pero wala syang interest ni sa isa man sa kanila.

Tumingin sya sa kanyang mga estudyante… nag-hihintay na may magreact sa kanyang mga binitiwang salita.

“Sir, paano po pag broken family? Makakahubog parin kaya ito ng magandang mamamayan?” tanong ni Erica habang pumipikit pikit sa harap ng Propesor. Halatang nagpapacharming ito.

Tumingin si Mr. Cruz sa kanya. Matimtim. Halos hindi humihinga si Erica. Sa totoo lang, matagal na nyang crush si Professor Cruz. Iniimagine nyang hinihimas nya ang matitigas nitong muscle at dibdib. Hinahalikan ang mapupula nyang labi, at inaamoy ang makalaglag panty nyang pabango. Ginawa naman nya lahat, ang kulang nalang e maghubad sya sa harapan neto pero taena, mukhang hindi umuubra dito ang kanyang alindog. Maganda naman sya, habulin ng mga kalalakihan. Halos hindi na nga nya mabilang kung ilan ang kanyang naging mga boyfriends. Malalaki ang kanyang mga dibdib, ika nga, walang pamana ang ibang kababaihan sa kanya at saka maputi sya.

Muli pumikit pikit si Erica, nagpapapbeautiful eyes sa harap ng Professor nang bigla itong sirain ng pagtunog ng bell.

“KRINGGGGGGGGGGGGGGGG”

“I’ll answer your question tomorrow, Ms. Erica,” sabi ni Professor Cruz habang papunta ito sa mesa para kunin ang kanyang mga libro.

“See you tomorrow guys,” bigkas nya bago tuluyang lumabas ng classroom.

Inis si Erica. Pasalampak na umupo sa kanyang upuan. “Ang bilis ng oras,” sigaw ng kanyang isip. “Sana may laboratory ang Soc Sci para mahaba-haba ang oras na nakakasama ko sya.”

Nakailang minuto din syang nakaupo nang maramdaman ang gutom. Bigla syang nagkaideya. “Makapag misyenda na nga,” sabi nya sa kanyang isip habang hindi mapagkit ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Tumayo sya at kinuha ang kanyang bag saka diretsong lumabas sa kanilang silid aralan.

Itutuloy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s