Nakatatak na sa Utak ko

Posted: July 6, 2012 in Uncategorized
Tags:
————————
Nagpaskil si Padre kung paano daw namin naiintindihan ang mga salitang ito:
How do you know, that you know, that the mind knows, that it knows?
Kung kayat, naisip ko,bakit nga ba di ko ilagay ang naiisip ko? Kayat eto na… eto na nga ang naisip ko.
————————-
Nakatatak sa Utak ko

Nalito si Ako

I was oblivious at first with the statement, “How do you know that you know that the mind knows that it knows?” Napapaisip ako kung anong ibig sabihin nito. Tanong ka sa isip ko, “Bakit THAT yun at hindi WHAT?” Kung kayat, sa aking paglalakbay patungo sa pag-unawa, nagpaskil ako ng tanong sa hiblang gagamba (web thread) kung THAT ba talaga iyon at hindi WHAT.

Ngunit walang sagot sa aking paskil. Kayat noong makita kong nasa loob ng bahay-gagamba (website) sa mukhang libro (facebook) ang butihin nating Parokyanong walang Parokya, si Padre, nagpaskil ako sa dingding (wall posting) ng tanong patungkol sa kanyang patimpalak. Tinanong ko sya kung THAT ba talaga iyon at hindi WHAT.

Kung ang tanong ay ganito:

Kung mapapalitan ang THAT at magiging WHAT, eto ang kalalabasan: How do you know that you know that the mind knows what it knows? Mas simple ang tanong, at mas simple ang sagot. Parang ganito lang yan, “Paano mo nalalaman na ikaw ay talagang naririto at hindi ka lang bunga ng isip ng ibang tao?” Pag isasalin yan sa Ingles, mas simple, “How do you know that you exist?”

Hiramin lang nating ang sagot ni Rene Decartes at masasagot na natin ang tanong. Sabi ni Decartes, “I think, therefore, I exist.” Kung sa saling Tagalog, “Nakapag-iisip ako, kung kayat, alam kong nandirito ako, at hindi ako bahagi o produkto ng isip ng ibang tao.” Ganyan din sana ang maaring sagot sa tanong ni Padre kung ang THAT na yun ay mapapalitan ng WHAT.

Isalin muna natin ang tanong sa Tagalog para hindi masyadong malabo. “How do you know that you know that the mind knows WHAT it knows?” – Paano mo nalalaman na alam mo na alam ng isip mo ang mga alam nito? O, simple diba?

Sa konsepto ni Decartes, sabi nya na nakakapag-isip sya, kung kayat alam nya na hindi sya produkyo ng isip ng ibang tao. Ganoon din naman sa tanong kung paano mo nalalaman na alam ng isip mo ang mga alam nito. Ang sagot, dahil napagdesisyonan mong alam mo, na alam ng isip mo, ang mga alam nito. Babagsak yan sa desisyon. Nadesisyonan mong alam mo, na alam ng isip mo, kung kayat alam mo.

Ang isyu: Hindi WHAT kundi THAT

Matapos kong maipaskil sa dingding sa mukhang libro ang aking tanong, hindi nagtagal at nagpaskil din si Padre ng sagot patungkol sa tanong ko. Sabi nya na THAT talaga iyon at hindi WHAT. Hindi lang yun, dinagdagan pa nya ng paliwanag – “…na alam nya, na alam nya”.

Kung kayat, ang una kong naisip na WHAT ya mali talaga at THAT talaga iyon. Ang iniisip kong sagot sana kung sakaling WHAT iyon at hindi THAT at kung saan ko iiikot ang aking argumento ay isinilid ko sa sakong barurahan. Kung THAT, tutukoy ito sa mga bagay hindi mo maalala pero alam nya, o kayay, maalala mo lang pagkatapos (after sometime) at hindi sa desisyon.

Ang Sagot

Kung isasalin ang tanong sa Tagalog, eto ang kalalabasan, “Papaano alam ng utak mo ang mga alam nito na hindi mo alam na alam mo?” at dahil hindi mo alam, papaanong alam ng utak mo ang mga bagay na ito, samantalang ikaw mismo ay hindi mo alam. Bumaliktad diba?

Sabi ni Augustine, “Kamangha-mangha ang abilidad ng memorya, makalaglag-panga ang kamisteryosohan, hindi tarok at walang hanggan ang karamihan.” – literal na salin ko yan 

Sa memorya ng ating utak naiimpok lahat ng bagay na ating kinakaharap, natututunan at nalalaman at mga kaalaman sa ating pang-araw-araw na buhay. Kasama dito ang ating pandama o pakiramdam, ating nakikita, emosyon, imahinasyon, takot at pagkilala sa ating sarili. Ang memorya ang nag-uugnay sa atin sa ating nakaraan at sa ating pangkasalukuyan dahil hinuhubog nito ang ating pangkasalukuyan gamit ang mga memorya ng ating nakaraan. Papaano?

Halimbawa, ayaw mong ilagay ang kamay mo sa apoy dahil alam mong mapapaso ka. Memorya yan. Dahil minsan sa buhay mo, sinubukan mo nang ilagay ang kamay mo sa apoy at ikay napaso at alam mong masakit ang mapaso. Isa pang halimbawa ay ang kung paanong bigla nalang gagalaw ang kamay mo para hulihin ang insektong lumilipad-lipad sa harap ng mata mo. Iyan ay halimbawa ng memoryang hindi mo mahalungkat sa baul ng iyong memorya pero nakatatak na pala sa memorya mo. Ang otomatikong paggalaw ng kamay mo kahit hindi mo pa iniisip na igalaw ang kamay mo ay bunga ng insidenteng minsan o higit sa minsan sa buhay mo ay may insektong lumilipad lipad sa harap ng mata mo at bigla nalang pumasok sa matamo. Masakit sa mata. Mahapdi! At para hindi ulit mangyari iyon, ang iyong memorya ay diniktahan na ang iyong isip na igalaw ang iyong kamay para hulihin ang insekto bago mo pa man naisip na gawin ito.

Iyan ay halimbawa ng bagay na alam ng isip mo na hindi mo alam na alam mo o mas tamang sabihing hindi mo na maalala. #

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s