Ang Kuwento ng Aking Pag-ibig – 1

Posted: July 9, 2012 in Ang Kwento ng aking Pag-ibig, Tagalog
Tags:

Ang Kuwento ng Pag-ibig

Part 1

“Ang gwapo nya talaga!” may kilig sa aking boses habang tinitingnan ko ang larawan ni Janus. Naglalakad ako noon kasama ko si Merian papuntang skul. “Haist, kelan kaya nya ako mapapansin,” at aking ipinikit-pikit ang aking mga mata na parang nahihipnotismo, sabay imadyin. Nilandian ko pa ang paglakad.

Hawak-hawak ko ang isang ginupit mula sa school newspaper na larawan ni Janus. Pinagtyatyagaan ko kahit mga newsprint lang ang mga picture nya sakin. Nahihiya naman kasi akong piktyuran sya, saka isa pa, wala akong pang-piktyur. May selpon nga ako, wala namang kamera, yun bang, pang text and call lang. May laro din pala, snake-snake.

“Hoy luka-luka….ret. Tumigil ka nga sa kaiilusyon mo,” biglang tulak sakin ni Merian, ang aking matalik na kaibigan. “Kahit anong gawin mo, hindi ka mapapansin ng prince charming mo. Ikaw?” sabay tingin nya sakin at tumaas ang kanyang kilay. Ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang baywang “Ewww. Mas maganda ako sa iyo at mas una nya akong papansinin keysa sa iyo kung saka-sakali. Saka isapa, dami nyang babae no, at andaming nakapaligid sa kanya. Mayayaman pa. Kelan ka nun mapapansin? Lumuha ka man ng dugo sa harapan nya, neknek mo kung papansinin ka nun.”

Oo nga naman. May tama din ang aking matalik na kaibigan na walang ginawa kundi ipamukha sakin ang masakit na katotohanan. Isa syang walang puso! Period. Pero mabait si Merian. Sya lang ang nakakabagayan ko sa iskul na aming pinapasukan. Sya lang din ang aking karamay kapag inaapi ako.

Siya nga pala, bago ko makalimutan, ako nga pala si Meredith. Andito ako ngayon sa Maynila. Nag-aaral ng kolehyo. Working student. Nagtatrabaho ako sa isang paspud. Nasa 2nd year na ako ng kursong AB English. Dalawang taon nalang matatapos na ako, pero malabo yun. Bilang isang working student, mahirap mag-aral. Kakaunti nga lang ang subjects na nakuha ko ngayon dahil sa aking trabaho. Mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral pero no choice ako. Hindi naman kase ako ipinanganak na mayaman. Sa probinsya, ang buhay namin, kung hindi ka kakayod, wala kang kakainin. Buti nalang may mga tanim na gulay ang aming kapitbahay, na kung minsan, aking inaani. Pero konti-konti lang lang ang aking inaani, baka kase mahalata pag maramihan. Mahirap na.

Anyways, hindi lang pala ako mahirap. Inaamin ko naman, simulat sapul ipinagkait na sakin ang kagandahang aking pinapangarap. Sa araw-araw na ginawa ng Dios, tuwing napapaharap ako sa salamin, may nakikita akong dambuhalang babae. Kulut-kulot ang buhok na parang hindi dinadampian ng suklay. Ang sakit na nga ng anit ko sa kasusuklay pero parang di parin ako nagsusuklay. Naka ilang try na din ako ng ibat-ibang shampoo pero no epek! Tas taba ching ching pa katawan ko. Gosh! Well, inaahit ko naman ang aking kilay, sunod sa uso. Ang aking ilong ay mana sa aking tatay. Pango. Ang aking labi ay maninipis. Haist. Ilang paglalait pa kaya ang gagawin ko sa sarili ko. Wala talaga akong kompidens, kase hindi naman ako blines ni lord ng kagandahan. Yung literal na kagandahan. Yun sanang, maputi, makinis, diretso ang buhok, seksi. Parang si Alexis lang. Yung laging kasama ni Janus. Gelpren nya ata yun. Pero sya talaga ang basehan ko ng maganda. Ako ang basehan ko ng pangit.

“Oh, bat tumahimik ka? Nasaktan ka ba?” tanong ni Merian. Sabay tawa ng malakas. “Alam mo naman pren, biro ko lang yun. Birong katotohanan.” At lalo pa nyang nilakasan ang kanyang tawa.

Sanay naman na din ako kay Merian. Isa pa, totoo naman ang kanyang mga sinasabi. Saka hindi ko dinidibdib ang kanyang mga salita. Naririnig ng isa kong tainga, lumalabas sa kabila. Ako ang lugi kung didibdibin ko. Ako ang kawawa.

————–
“San tayo mamya after first period?” Pag-iiba ko sa usapan. Nakakahiya namang pagusapan parin namin si Janus, my love. Papunta na kami sa second floor ng school building namin.

“Tambay tayo sa library?” balik tanong ni Merian.

“Sig…..” nang mahagip ng aking mga mata si Janus, my love. Ang gwapo nya talaga. Suot nya school uniform namin. Ang macho nya. Kilig to the bones ako.

“Hoi, tumingin ka nga sa dinadaan mo, madapa ka pa dyan e,” pansin ni Merian sakin nang makitang nakatingin ako sa ibang direksyon.

“Ang gwapo nya,” sambit ko na parang nasa alapaap. Tas, ewan, parang may lahing mangkukulam talaga itong si Miriam. Naramdaman ko nalang na natapilok ako sa hagdan. Tumama ang tuhod ko sa edge ng hagdan. Ang sakit sakit. Halos maiyak na ako sa sakit na aking naramdaman. May mga luha na nga sa aking mata.

Pagtingin ko sa paligid, nagtatawanan ang mga ibang mga istudyante. Mga walang hiya. Imbes na maawa sakin, tinatawanan pa ako.

“Merian, tulungan mo nga ako,” sabi ko kay Merian. Pero hindi sya kumikilos. Nakatayo lang sya. Parang tulala. Nang tingnan ko kung sino ang kanyang tinitingnan, oh my god! si Janus,my lab!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang sakit na nararamdaman ko mula sa pagkakatama ko sa edge ng hagdan e parang nawala. “Ano ang gagawin ko?” sigaw ng isip ko. Nakakahiyang makita nya ako sa ganitong posisyon. Tulirong tuliro ang aking utak.

“Miss, you need help?”

Mamamatay na ata ako sa oras na iyon. Si Janus nasa harapan ko, nakaalok ang kamay sakin. Gusto akong tulungan. Oh my God!

Pero tinopak ata ako dahil gulong-gulo ang isip ko, tas tuliro pa ang puso ko.

“Thank, but no thanks,” biglang sabi ko. “Akala mo ang gwapo mo na parang lahat ng babae e maglalaway sa iyo. Pwes, iba ako. Ni hindi nga kita….”

Bigla akong natauhan sa mga sinasabi ko. Naramdaman ko ang lalong pag-init ng aking mukha. Bigla akong tumayo at hinila palayo sa kamay si Merian na parang robot kung maglakad ng mga oras na iyon. Wala akong naramdaman ni konting hapdi sa aking tuhod.

Narinig ko ang sipulan ng mga tao sa paligid.

“Miss,” sabi ni Janus na humabol sa amin. Humarang sya sa dadaanan namin. “You look beautiful when you’re blushing.”

At sa gitna ng kahihiyan ko, parang naramdaman kong tumalon ang puso ko sa tuwa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s