Ang Kwento ng Aking Pag-Ibig – 2

Posted: July 10, 2012 in Nang Umibig Ako, Tagalog
Tags:

Part 2

“Narinig mo ba yun?” tanong ko kay Merian, feeling ko nasa alapaap ako. Palabas na kami ng school building. Katatapos lang ng subject namin. “Sinabihan nya ako ng maganda ako.” Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at dinala sa aking digdig at gumalaw na parang nanginginig. Kilig na kilig.

“Heh, kanina mo pa tinatanong tanong yan. Tumigil ka na nga bruha ka,” saway sakin ni Merian.

“Inggit ka dahil di ka sinabihang maganda ni Janus, my love?” biro ko kay Merian.

“Excuse me,” nilandian nya ang kanyang boses. “Lumapit sya sakin kaninang umaga.”

“At natulala ka na hanggang hilain kitang palayo.” Sinabayan ko ng tawa.

“Che!”

“Pero pren, kilig ako. Sinabihan nya ako ng maganda. The best day of my life,” pagbabalik ko sa usapan. I was floating in could nine kase that whole day. Akalain mo ba naman, pagkatapos ng kahihiyan ko, sa pagkadapa ko, sa pagsabi ko sa kanya ng kung ano-ano, bigla nyang sasabihin na ang ganda ko. Haist, di ako maka get over. It felt like heaven! Charot!

“Wala akong maalala,” sabi parin ni Merian.

“Oo, kase tulala ka. Nakita mo lang si Janus na palapit, tumigil na mundo mo. Nakakahiya ka pren. Kala ko ba di mo sya type?”

“Type ko na sya ngayon, lalo at nilapitan nya ako. I think pren, may gusto sya sakin.” Kilig na kilig si Merian habang nagsasalita.

“Aagawan mo pa ako e.”

“Ok, hindi na, share nalang tayo kay Janus, ok lang ba pren? Pero kung ayaw mo? Hoy, hindi porket pinansin ka minsan e laman ka na ng kanyang isipan. Magisip ka nga, kasing ganda mo ba si Alexis? Kasing puti mo ba sya?” tumaas ang kanyang mga kilay habang nagsasalita.

“Pero pren, whatever. Basta masaya ako at sinabihan nya akong maganda saka…”

“Hoy, babaeng pangit!” Mula sa aming tabi ay sigaw ng isang babae. Sabay kaming napalingon ni Merian. Si Alexis pala. May tatlong magagandang babaeng mga kasama. Pero lumilitaw parin ang angat nyang ganda sa tatlo nyang kasama.

“Ang ganda nya nyo,” bulong ko kay Merian. “Sana maging ganyan din ako kaganda.” Habang patuloy kaming naglalakad ay nakatingin parin kami kay Alexis. Nakapamaywang at sumusunod ang tingin samin.

“Hoy pangit na babae, tumigil ka nga sa paglalakad!” sigaw niya.

“Tayo ba sinasabihan nun?” tanong ko kay Merian. Tumigil kami sa paglalakad.

“Kami ba?” sabay turo sa aking sarili at kay Mirian.

“E sino pa nga bang pangit ang andito? Kayo lang naman.” Pahalakhak na sabi ni Alexis.

Naramdaman ko ang pamumula ko. Andami ng tao na nakikiusyoso. Kami pala ang tinatawag nila kanina. Di namin alam.

“Bakit, anong kelangan nyo samin?” si Merian.

Nakatingin parin sakin si Alexis. Napapansin kong matatalas ang kanyang mga mata. Parang umaapoy, nagliliyab. Kung sa Marvel komiks, sya si Pyro girl.

Lumapit si Pyro girl sakin. Ganundin ang kanyang mga kasama.Nasa likod nya lang ang mga ito. Parang bak-up lang. Kung gyera sana, si Alexis ang front liner, sila back-up. Itinaas ni Pyro girl ang kanyang kamay at dinuro ako. “Sa susunod wag kung ano-ano ang sinasabi mo sa boyfrend ko. Mahiya ka nga, sa pangit mong iyan, papansinin ka nya. Pagsamahin nyo man ang itsura nyong dalawan, lalangawin parin kayo!”

Tas hindi ko inaasahan, biglang may naramdaman akong sakit sa aking pisngi. Sinampal na pala ako. Ang sakit-sakit, parang nabibingi ako. Ang bilis ng kanyang kamay. Hindi ko manlang napansin.

Hindi nagpahuli si Merian. Sinampal din niya si Alexis. Yan ang aking kaibigan. Laging kong karamay. Siya ang aking Wonderwoman.

Dumamay ang mga kaibigan ni Alexis. Nakigulo na din ako. Basta makasabunot ako ayos na. Kahit kaninong buhok. Tas naramdaman ko ding may sumuntok sa mukha ko. Ang sakit. Pero di ko na masyadong pinansin. Kelangan ni Merian ng aking tulong kaya sige, sabunot dito at sabunot duon. Hanggang inawat kami ng mga lalaki sa paligid.

“What the hell are you doing?” sigaw ng isang lalaki kay Alexis nang maawat na kami. Ang bruha, gulo-gulo lang ang buhok pati narin ang kanyang mga kampon. May mga natanggalan din pala ng butones ng uniform.

“I was just giving that beatch a lesson!” At tinuro ako ni Alexis.

Paglingon ng lalaki sakin, oh, God, si Janus my love pala. Shit! Nanginig ang mga tuhod ko.

“I can settle my things!” galit na sabi ni Janus kay Alexis. At lumapit sya sakin. May dinukot sya sa kanyang bulsa. Kala ko kutsilyong panaksak. Katapusan ko na my lord! To die in your hand Janus is my pleasure, sigaw ng utak ko.

Inilabas ni Janus ang isang panyo at inilapit sa aking mukha. Tigalgal ako. Hindi ako makakilos. Para akong napako sa aking kinatatayuan. Ang bango nya. Mas gwapo sya pag malapitan. Naramdaman ko nalang pinupunasan nya ang bibig ko. Napansin kong may dugo ang panyo.

“What are you doing?” Sigaw ni Alexis.

“Back off!” Galit na wika ni Janus.

“This needs cleaning. I’ll bring you to the clinic,” malumanay na wika niya sakin. Nakakakilig ang kanyang boses.

Hinawakan nya ako sa kamay. Nagsitayuan ang mga balahibo. Hindi ko na kaya itetch. He’s touching me. Rape-in mo ako!

Nanlumo ang mga paa ko. Pero inalalayan ako ni Janus.

Nakalimutan ko na si Merian.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s