Archive for the ‘Tagalog’ Category

Part 2

“Narinig mo ba yun?” tanong ko kay Merian, feeling ko nasa alapaap ako. Palabas na kami ng school building. Katatapos lang ng subject namin. “Sinabihan nya ako ng maganda ako.” Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at dinala sa aking digdig at gumalaw na parang nanginginig. Kilig na kilig.

“Heh, kanina mo pa tinatanong tanong yan. Tumigil ka na nga bruha ka,” saway sakin ni Merian.

“Inggit ka dahil di ka sinabihang maganda ni Janus, my love?” biro ko kay Merian. (more…)

Advertisements

Ang Kuwento ng Pag-ibig

Part 1

“Ang gwapo nya talaga!” may kilig sa aking boses habang tinitingnan ko ang larawan ni Janus. Naglalakad ako noon kasama ko si Merian papuntang skul. “Haist, kelan kaya nya ako mapapansin,” at aking ipinikit-pikit ang aking mga mata na parang nahihipnotismo, sabay imadyin. Nilandian ko pa ang paglakad.

Hawak-hawak ko ang isang ginupit mula sa school newspaper na larawan ni Janus. Pinagtyatyagaan ko kahit mga newsprint lang ang mga picture nya sakin. Nahihiya naman kasi akong piktyuran sya, saka isa pa, wala akong pang-piktyur. May selpon nga ako, wala namang kamera, yun bang, pang text and call lang. May laro din pala, snake-snake.

“Hoy luka-luka….ret. Tumigil ka nga sa kaiilusyon mo,” (more…)

Ikaapat na Yugto
Karugtong ng Ikatlong Yugto – hehehe

“Gusto mo ng tsokolate Letty?” tanong ni Loid sa babae pagkatapos nilang maubos ang kanilang miryenda.

“Huh? Bakit? Bibilhan mo ba ako?”

“Kung gusto mo ba,” sagot ng lalaki.

“Sige ba.”

“Halika, samahan mo ako, bili tayo sa labas, wala kase silang tsokolate dito.” At hinawakan nya na sa kamay si Letty at hinila patayo. Wala ng nagawa si Letty kundi ang tumayo na din.

“Babalik kami, antayin mo kami dito,” pasigaw na sabi ni Letty bago tuluyang naglaho ang dalawa sa mga mata ni Brix.
—————————————–

“I’m sorry for being late,” hinging paumanhin ni Louis kay Marianne. Yumuko ito at (more…)

Ikatlong Yugto
Karugtong ng mga naunang yugto – hehehehe

“Walang hiya ka! Ang lakas ng loob mong dalhin pati dito sa bahay ang babae mo!” Ang mga katagang sumalubong kay Brix nang buksan nya ang pintuan ng kanilang bahay. Kung hindi pa nya napansin ang paparating na vase, siguradong dumudugo ang kanyang ulo sa oras na ito. Pero may nananalayatay atang dugo ng mga langaw sa kanyang katawan kayat mabilis syang nakailag; parang sa langaw, sa dami ba naman ng mga mata nila, paparating palang ang pamalo ay lumilipad na ang mga ito.

Mabilis na naglakad si Brix papunta kay Renova at hinawakan ito sa kanyang mga kamay. Nagsisigaw si Renova, hysterical, pilit pinapakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak ni Brix.
“Bitawan mo ako, hayup ka! Kung kalian ka tumanda saka ka lumandi. Mahiya ka sa sarili mo, nasa kolehyo na ang anak mo!”

“Tumigil ka!” Ang tiim bagang na sabi ni Brix at hinila si Renova papunta sa kanilang kuarto saka isinarado iyon. Si Aling Ester na matagal na nilang kasambahay sa kanilang bahay ay nakatunganga sa bilis ng mga pangyayari.

Binitiwan ni Brix ang namumula-mula ng kamay ni Renova dahil sa higpit ng kanyang (more…)

Ikalawang Yugto
Ikalawang Yugto ng Simula ng Katapusan

“Tol, anong gusto mong miryenda?” tanong ni Letty kay Ronrix sa tonong pilit pinapalaki ang boses habang mataman nya itong tinititigan. Nakaupo sila sa harap ng isang lamesa sa kanilang school canteen. Kasama nila si Loid, isa din nilang kaibigan.

“Kumurap ka naman,” ang biglang sabi ni Loid kay Letty, “napaghahalata ka tuloy. Huwag mo namang ipahalata sakin.” Ang malamang sabi ni Loid na may kasamang pagtatampo sa boses nito.

“Huh!” Namumula mula si Letty. “Ano bang pinagsasabi mo? Umayos ka, makakatikim ka sakin,” ang pabiro pa nitong sabi matapos makabawi.

Ngumiti ng may kasamang lungkot si Loid. “Ako ba, di mo ba tatanungin kung anong miryenda ang gusto ko? Magtatampo na ako nyan.”

“Isa, isa lang pre, mahina ang kalaban,” ang sagot naman ni Letty. “Pagkatapos ko dito kay pareng Ronrix, ikaw naman susunod na tatanungin ko.”

Walang imik si Ronrix, malayo sa kanila ang kanyang isip.

“Tol?” tanong ulit ni Letty (more…)

————

Babala: Maaring magkakabuhol-buhol ang iyong isip sa pagbabasa sa akdang ito. Ipinapayo ko lang po na bago pa man dumating ang yugtong iyon, buhulin mo na ang isip mo.  Mas maaga, mas maganda. Hahahaha

————-

Unang Yugto:
Simula ng Katapusan

“Ang pamilya ang pinaka-basic unit na bumubuo sa isang komunidad. Ang pamilya din ang humuhubog sa bawat miyembro nito. Ang mabuting samahan ng pamilya ang siyang pundasyon sa matatag na samahan ng bawat kasapi nito.”

Yan ang mga salitang namutawi sa bibig ni Ginoong Cruz. Isang binatang Propesor sa isang sikat na Unibersidad. Marami ang mga nagkakandarapa sa kanya na mga kababaihan at mga kalalakihan – mga colleagues nya at mga kanyang mga istudyante pero wala syang interest ni sa isa man sa kanila.

Tumingin sya sa kanyang mga estudyante… nag-hihintay na may magreact sa kanyang mga binitiwang salita.

“Sir, paano po pag broken family? Makakahubog parin kaya ito ng magandang mamamayan?” tanong (more…)

Pong, Antonia!

Posted: September 19, 2011 in English, Just some Random Stories, Tagalog
Tags:

The streets are isolated. The queues of street lights flicker and some are already dead. It has been a year or so since they were replaced; the officials are now busy in politics or they just don’t care – they have their own errands to attend to. Seldom were there crimes in the place, however, which is the opposite of what is expected in a place like that, not because the people are afraid of doing crimes, but because they don’t have to, and more so, no one goes outside in the pitch of the night; no one except those who feign their valor and those who really need money, that they gamble their lives.

Occasionally you hear the barking and the whining of the street dogs and cats. The trash bins are scattered by the dogs in search for food to fill their stomacks but no one cares among the denizens about that. And in the far end of the one particular street, a woman, in her young age, is running. Her breathings are heavy and her heart pounds so fast. She is soaked in her sweat. Some of her long black hair cover her eyes. Some also are in her pale thin lips. She pushes them at the back of her ears with her tiny hands and small fingers, and as she does, she wipes her sweat-covered face with her dirty hand although she doesn’t care how dirty they are.

(more…)

Chapter 7

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Alamat ni Hairy Patties
Ikapitong Kabanata

“Sa likod ng maitim na ulap, ang araw na sumisikat.” – Manli

“Kung may simula, may wakas din.” – MayAkda

Sa malayong malayong lugar sa silangan ng lupain ng Unanglupa, ay may isang islang kung tawagin ay Harden ng Eden. Ito ang ipinangalan ng mag-asawang nanirahan doon dahil sa itoy parang isang hardin, pero hardin talaga ito. Ang ibig sabihin ng Eden ay lugar ng sarap. Oh, hah, isipin nyo nga kung bakit lugar ng sarap?

Ang mga tao at mga duwende na nakatakbo mula kay Lou ay napadpad sa Harden ng Eden. Dito nila nakilala ang (more…)

Chapter 6

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Pagkasakop ng Unanglupa
Ikaanim na Kabanata

“Kelangan ba talagang may mga ganito? Pwede naman siguro kahit wala, diba?”-MayAkda

Unang Bahagi

Maraming taon ang lumipas at tahimik na nabuhay ang mga tao, duwende at mga tikbalang sa kanilang lupain. Inisip nila na hindi na siguro sasalakay si Lou dahil dalawang beses na itong napahiya sa tangkang pagsakop. Namuhay sila ng tahimik at matiwasay, bagamat ang sugat na namagitan sa tao, duwende at mga tikbalang ay hindi parin naghihilom. Lalo pang nag-apoy ang galit ng dalawang grupo, ang duwende at tao dahil sa nangyari kila Malakas at si Maganda. Patuloy parin ang silent war sa pagitan ng dalawa. (more…)

Chapter 5

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Alamat ni Malakas at ni Maganda
Ikalimang Kabanata

“Wala akong maisip na pwedeng sabihin dito, sa susunod nalang. Peron pala, “love will kick us away”” – MayAkda

Alam ko. Alam ko na alam nyo na ang kuwento ni Malakas at ni Maganda, ang unang tao sa alamat ng mga tao. Sila ay nagmula sa nabitak na kawayan na tinuka ng isang malaking ibon. Malaking, malaking, malaking ibon iyon na may ulo. Oo, may ulo. Ito din ay may panuka at may pakpak[1], na naghahanap ng makakain at nang makakita ng butiki sa may kawayan ay tinuka iyon at nabitak ang kawayan. Hindi na naikuwento ang tungkol sa butiki dahil nagtapos na ang kuwento nang lumabas si Malakas at si Maganda. (more…)

Chapter 4

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ikalawang Pagsalakay at ang Pagkahati-hati ng Lupain ng Unanglupa
Ikaapat na Kabanata

“Dahil, kasi, yamang, palibhasa, sapagkat, ang di pagtupad sa napagkasunduan ang siyang dahilan kung bakit ang pagtitiwala ay namamatay.” – MayAkda

Isang malakas at isang masayang kainan ang sumunod na nangyari sa lupain ng Unanglupa. Pagkatapos nilang ihukay ang mga napatay nilang mga kaaway at sunugin ang kanilang mga kasambahay, kaibigan, anak, ama, ina, pamangkin, tito, tita, lolo, lola na mga namatay sa labanang naganap, silay naghanda ng isang salu-salu dahil, marahil, palibhasa, bagamat ang kamatayan ng kanilang mahal sa buhay ay isang nakakalungkot na pangyayari, marami parin silang dahilan kung bakit kailangan nilang magselebrasyon. Tulad halimbawa ng dahil sila ay buhay pa (more…)

Chapter 3

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ang Buhay sa Unanglupa at Ang Unang Pagsakop at Ang Pagkamatay ni Ang-ang
Ikatlong Kabanata

“Oh kasakimang makapangyarihan, kung tumama kahit kanino man, gagawin ang lahat, mahangad lamang ang nais makamtan, o makamtan lamang ang nais mahangad.” – MayAkda

At sa lupain nga ng Unanglupa ay namuhay ng tahimik ang mga duwende, tao at mga tikbalang. Mula nang pinatalsik nila ang mga kampon ng kadiliman – mga aswang, tiyanak, kapre at kung ano-ano pang mga nilalang, ay ibinigay nila ang kanilang lahat-lahat para sa ikabubuti ng lahat. Pero tulad nga ng kasabihang “lilipas din yan,” ay dumating ang panahong lumipas din ang matiwasay at mapayapang buhay nila. (more…)