Archive for the ‘Nang Umibig Ako’ Category

Part 2

“Narinig mo ba yun?” tanong ko kay Merian, feeling ko nasa alapaap ako. Palabas na kami ng school building. Katatapos lang ng subject namin. “Sinabihan nya ako ng maganda ako.” Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at dinala sa aking digdig at gumalaw na parang nanginginig. Kilig na kilig.

“Heh, kanina mo pa tinatanong tanong yan. Tumigil ka na nga bruha ka,” saway sakin ni Merian.

“Inggit ka dahil di ka sinabihang maganda ni Janus, my love?” biro ko kay Merian. (more…)

Advertisements

Chapter 5

Posted: March 9, 2011 in Nang Umibig Ako
Tags: ,

Nang Umibig Ako
by Samwel

Chapter 5

Naglalakad palapit si Brandon kay Persofina. Napansin ni Persofina si Brandon na palapit sa kanya. Isang hapon iyon at katatapos lang ng kanyang trabaho. Medyo masakit parin ang tama ng araw at pakiramdam niya ay ang taas taas parin ng araw kasi init-init na siya. Ilang segundo lang siya la labas e butil butil na ang pawis nya. Nasasanay na din kasi siya sa aircon na environment. Akalain mo bang umaga hanggang hapon na cool na cool ang environment niya tas paglabas niya e ang init init.

Nginitian niya si Brandon. “Saan ka pupunta?” (more…)

Chapter 4

Posted: March 9, 2011 in Nang Umibig Ako
Tags: ,

Nang Umibig Ako
by Samwel

Chapter 4

“Persofina, andyan si Brandon, hinahanap ka,” wika ni Aling Sofia kay Persofina. Pumasok ito sa kuarto ng dalaga para ipalam rito na naghihintay si Brando sa kanya sa sala. A las siete na noon nang gabi. Nasa kanyang kuarto si Persofina at nagbabasa. Nagpapalipas siya ng oras dahil wala siyang magawa. Di pa naman siya kakain.

“Ho?” sagot ni Persofina. Hindi niya inaasahang pupunta si Brandon sa kanila. Kung magpunta man kase ang binata sa kanila lagi siyang inaabisuhan. Kung alam lang sana niya na darating si Brandon e di sanay nagbabad siya sa tubig kaninang nagshower siya at nagkuskos ng katawan. Nagsabon ng maayos para mabangong mabango siya. (more…)

Chapter 3

Posted: March 9, 2011 in Nang Umibig Ako
Tags: ,

Nang Umibig Ako
by Samwel

Chapter 3

Araw-araw na may nadaratnang rosas sa lamesa niya si Persofina. Tuwing pag-pasok niya sa umaga ay may isang rosas na nakapatong sa kanyang mesa. Nacucurious na siya kung sino ang nagbibigay ng mga iyon sa kanya. Wala naman kasing ni kahit maliit man lang na note kung kanino galing ang mga rosas. Basta nadaratnan lang niya ang mga iyon. Tinutudyo nga siya ni Maria na may secret admirer siya.

Kapag ganuon na ang usapan, napapangiti nalang siya. Eto ang unang pagkakataong may nagbibigay sa kanya ng rosas. Di man niya aminin sa sarili, kahit hindi niya kilala (more…)

Nang Umibig Ako
by Samwel

Chapter 2

A las kuatro y medya palang ay gising na si Persofina. Nagluluto na siya ng pagkain. Eksaktong a las singko y media ay nakahanda na ang agahan. Kumain na siya at naligo at nagbihis. She was excited on her first day of work At dahil unang araw, a las siete y medya palang ay nasa opisina na siya. Ayaw niyang sa unang araw niya sa kompanyang kanyang papasukan ay male-late na siya.

Naglalakad siya sa lobby ng kumpanya nang may tumikhim at kumalabit sa kanya.

“Ay, Dios por Santo,” ang bigkas niya dahil sa pagkagulat. (more…)

Chapter 1

Posted: March 9, 2011 in Nang Umibig Ako
Tags: , ,

Nang Umibig Ako
by Samwel

Chapter 1

“Aray!” ang katagang namutawi sa mga labi ni Persofina nang may isang malaking katawan ang bumundol sa kanya. Napaupo siya at tumilapon ang kanyang mga hawak hawak na mga papel.

Ilang araw na din siyang naghahanap ng trabaho. Napagdesisyonan niyang tumigil muna sa pag-aaral dahil narin sa hirap ng buhay. Ayaw niyang mas lalong mahirapan ang kanyang mga magulang sa pagkayod at pagtustos sa kanya kung kayat napag-isipan niyang tumulong nalang sa kanila sa paghahanap buhay.

Ang kanyang ama ay si Pedro at ang kanya namang ina ay si Sofia. Ang kanyang pangalang Persofina ay mula sa pinaghalong pangalan ng mga ito. (more…)