Posts Tagged ‘Chapter 4’

Chapter 4

Posted: March 9, 2011 in Ang Alamat ng Unang Lupa
Tags: , ,

Ang Alamat ng Unanglupa
by Samwel

Ikalawang Pagsalakay at ang Pagkahati-hati ng Lupain ng Unanglupa
Ikaapat na Kabanata

“Dahil, kasi, yamang, palibhasa, sapagkat, ang di pagtupad sa napagkasunduan ang siyang dahilan kung bakit ang pagtitiwala ay namamatay.” – MayAkda

Isang malakas at isang masayang kainan ang sumunod na nangyari sa lupain ng Unanglupa. Pagkatapos nilang ihukay ang mga napatay nilang mga kaaway at sunugin ang kanilang mga kasambahay, kaibigan, anak, ama, ina, pamangkin, tito, tita, lolo, lola na mga namatay sa labanang naganap, silay naghanda ng isang salu-salu dahil, marahil, palibhasa, bagamat ang kamatayan ng kanilang mahal sa buhay ay isang nakakalungkot na pangyayari, marami parin silang dahilan kung bakit kailangan nilang magselebrasyon. Tulad halimbawa ng dahil sila ay buhay pa (more…)

Advertisements

Chapter 4

Posted: March 9, 2011 in Nang Umibig Ako
Tags: ,

Nang Umibig Ako
by Samwel

Chapter 4

“Persofina, andyan si Brandon, hinahanap ka,” wika ni Aling Sofia kay Persofina. Pumasok ito sa kuarto ng dalaga para ipalam rito na naghihintay si Brando sa kanya sa sala. A las siete na noon nang gabi. Nasa kanyang kuarto si Persofina at nagbabasa. Nagpapalipas siya ng oras dahil wala siyang magawa. Di pa naman siya kakain.

“Ho?” sagot ni Persofina. Hindi niya inaasahang pupunta si Brandon sa kanila. Kung magpunta man kase ang binata sa kanila lagi siyang inaabisuhan. Kung alam lang sana niya na darating si Brandon e di sanay nagbabad siya sa tubig kaninang nagshower siya at nagkuskos ng katawan. Nagsabon ng maayos para mabangong mabango siya. (more…)